Napagod si Bob sa biyahe papunta sa isang malayong lugar para bisitahin ang mga bago niyang kaibigan. Sa kabila nito, naging masaya siya sa malugod nilang pagtanggap. Pinaramdam nila kay Bob na mahalaga siya at parang nasa sarili niyang tahanan kung saan payapa, komportable at ligtas siya.

Habang iniisip niya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya kahit bago lang siya sa lugar, naalala niya ang sinasabi sa 2 Corinto. Inilarawan doon ni apostol Pablo ang mga nagtitiwala sa Dios na tila “mabangong handog” tulad ni Cristo (2:15). Iyon ang nakitang sagot ni Bob, ang mga kaibigan niya ay para ding mabangong handog.

Binanggit din ni Pablo ang tungkol sa pagpapalaganap ng mga mananampalataya sa katotohanan na para bang halimuyak ng pabango sa “parada ng tagumpay” (TAL. 14). Ang tinutukoy doon ni Pablo ay ang kinaugalian noon na pag-susunog ng insenso ng mga nagtagumpay na hukbo habang nagmamartsa. Nagdudulot ng kagalakan para sa mga sumu-suporta sa kanila ang amoy nito. Magsisilbi namang maba-ngong samyo ang katotohanan para sa mga maniniwala. Hindi magiging mabango ang pagpapahayag natin ng Kanyang Salita sa sarili nating lakas. Ang Dios lamang ang makakagawa nito.

Si Bob ay aking ama. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagbisita niya sa mga kaibigan niya na tila mabangong handog tulad ni Cristo kahit mahigit 40 taon na ang nakalilipas. Lagi pa rin niya itong ikinukuwento.