Month: Disyembre 2024

Araw-araw Umaasa Sa Dios

Isang Sabado ng umaga, maagang bumangon ang mga anak namin para maghanda ng almusal nila. Pagod kaming mag-asawa buong linggo kaya bumabawi kami ng tulog. Nang umagang iyon, bigla akong napabangon dahil sa malakas na kalabog mula sa baba. Nabasag pala nila ang malaking mangkok na ginagamit nila sa paghahanda ng almusal. Nakita ko ang anak naming limang taong gulang…

Paggawa Na May Pagmamahal

Si Dr. Rebecca Lee Crumpler (1831-95) ang kauna-unahang babaeng Aprikano-Amerikanong nagtapos ng pag-aaral para maging doktor. Pero malimit siyang hindi pinansin, minaliit, at itinuring na walang halaga. Kahit ganoon ang naranasan, nagpatuloy siyang tapat sa panggagamot para tuparin ang layunin niya.

Kahit may mga taong piniling sukatin ang pagkatao niya ayon sa kanyang lahi at kasarian, lagi siyang “may panibago…

Ilaw Na Para Sa Pasko

Sa paningin ko, tila umaapoy ang Christmas tree – hindi dahil sa karaniwang pampailaw, kundi dahil sa totoong apoy. Naimbitahan ako kasama ang buong pamilya ko sa isang pagdiriwang ng kaibigan ko na tinatawag na tradisyong altdeutsche o ‘ang dating paraan ng Aleman’ na may mga tradisyunal na panghimagas at punong pangpasko na totoong kandila ang ginagamit pampailaw. (Para maging ligtas ang…

Palakasin Ang Loob Ng Isa’t-Isa

Sumalampak ako sa upuan matapos ang isang linggong puno ng nakakalungkot na resulta tungkol sa aking kalusugan. Ayaw kong mag-isip. Ayaw kong makipag-usap. Hindi ako makapagdasal. Puno ako ng pagdududa at panghihina ng kalooban nang binuksan ko ang telebisyon. Nakita ko sa isang patalastas – isang batang babae na pinupuri ang nakababatang kapatid na lalaki, “Isa kang kampeon.” Habang patuloy…

Ipinagkakatiwala Sa Dios

Makalipas ang isang dekada na wala pa ring anak, nagdesisyon kaming mag-asawa na magsimulang muli sa ibang bansa. Namiss ko talaga ang iniwang trabaho sa pagsasahimpapawid ng mga balita at pakiramdam ko para akong naliligaw. Humingi ako ng payo sa kaibigang si Liam.
“Ano na ngayon ang calling ko,” nanlulumo kong sinabi.
“Hindi ka nagsasahimpapawid dito? tanong niya. Hindi na.
“Kamusta ang…