Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hindi Maunawaan

Naging mahirap sa aming pamilya nang malaman namin na matatanggal sa trabaho ang aking asawa dahil sa pandemya. Naniniwala kami na ipagkakaloob ng Dios ang aming mga pangangailangan. Pero natatakot pa rin kami kung ano ang mangyayari sa amin sa hinaharap.

Habang magulo ang isip ko noong mga panahong iyon, binasa ko ang paborito kong tula na isinulat ni John…

Kanyang Kapayapaan

Nitong mga nakaraang buwan, puro pagod at problema sa trabaho ang naranasan ko. Palagi akong nag-aalala kaya nagulat ako dahil sa kabila ng mga problema ay nakadarama ako ng kapayapaan. Sa halip na mag-alala ako, kalmado kong hinarap ang mga pagsubok sa trabaho. Naniniwala ako na tanging sa Dios nagmumula ang ganitong kapayapaan sa aking puso.

May pagkakataon naman na…

Dadalhin Ng Pag-ibig

Minsan, nilapitan ako ng aking apat na taong gulang na apo at hinawakan ang aking kalbong ulo. Tanong niya, “Lolo, ano pong nangyari sa buhok ninyo?” Natawa ako at sinabi ko sa kanya, “Apo, sa pagdaan kasi ng panahon ay naubos na ito.” Nakita ko sa mukha niya ang hitsura ng pag-aalala at sinabi niya sa akin. “Nakakalungkot naman po…

Katulad Natin

Minsan, lumangoy si Derek kasama ang kanyang anak na lalaki. Napansin niya na nahihiyang tanggalin ng kanyang anak ang t-shirt nito dahil sa birthmark niya sa kanyang dibdib na umaabot hanggang braso niya. Para matulungan ni Derek ang kanyang anak, nagpa-tattoo si Derek sa kanyang katawan ng katulad sa birthmark ng kanyang anak. Tiniis ni Derek ang mahaba at masakit na proseso ng…

Maging Handa

Minsan, napansing nakatigil sa oras na 8:19 at 56 segundo ang mga kamay ng relong nasa silid-aklatan sa University of North Carolina. Ito ang eksaktong oras kung kailan naganap ang isang kahindik-hindik na pangyayari sa nagmamay-ari ng relong iyon. Nadulas si Elisha Mitchell sa isang mataas na anyong tubig na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa Appalachian Mountains noong Hunyo…

Pitong Iba Pa

Noong Enero 2020, napabalita ang pagkamatay ng sikat na basketball player na si Kobe Bryant dahil sa pagbagsak ng helicopter. Karamihan sa mga balita ay ganito ang sinasabi, “Namatay sa isang aksidente ang sikat na manlalaro na si Kobe Bryant, ang kanyang anak na si Gianna, at pitong iba pa.”

Kalimitan sa mga ganitong balita ay mas binibigyang pansin natin ang…

Nais Ng Kausap

Noong 2019, inilunsad ng Oxford Bus Company ang tinatawag na “Chatty Bus.” Isa itong bus na may mga nakasakay na taong makikipag-usap sa mga pasaherong nais magkaroon ng kausap. Inilunsad ito dahil batay sa pananaliksik, 30 porsiyento ng mga Briton ang walang nakakausap kahit isang araw lamang sa buong linggo.

Marami sa atin ang nakakaranas ng pakiramdam na mag-isa dahil walang nakakausap.…

Permanenteng Tirahan

Kamakailan lamang ay lumipat kami ng bagong tirahan. Hindi ito kalayuan sa aming dating bahay. Pero kahit malapit lang ito, kailangan pa rin naming mag-arkila ng sasakyan para mahakot ang mga gamit namin. Ilang araw ding nanatili sa sasakyan ang mga gamit namin dahil sa napatagal na pagproseso sa pagbili namin ng bahay.

Pero kahit tila wala kaming permanenteng bahay…

Tunay Na Kabutihan

“Kumain ka na ba?” Ito ang malimit mong maririnig kapag bumisita ka sa isang bahay dito sa Pilipinas. Isa itong paraan ng pagpapakita ng paggalang at kabutihan nating mga Pilipino sa ating mga bisita. Kilala tayong mga Pilipino sa magiliw nating pagtanggap sa ating mga bisita.

Nagpakita rin naman ng kabutihan sa isang bisita si Rebeka na tauhan sa Biblia.…

Away Sa Paradahan

May dalawang drayber ng kotse ang nagsisigawan dahil ayaw magpauna ng bawat isa para makadaan. Masasakit na mga salita na ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Ang masama pa rito ay nangyayari ang away na ito sa paradahan ng isang simbahan. Maaaring kakapakinig pa lamang ng mga drayber na ito ng sermon tungkol sa pag-ibig, pagpapaumanhin, o pagpapatawad pero nakalimutan…