Isang bagong paglalakbay para sa isang kamangha-manghang patutunguhan.

 

Ang bagong taon ay isang magandang pagkakataon upang makapagsimula muli. Mahaharap natin nang may pag-asa ang kinabukasan at ang lahat ng mga magagandang bagay na maaari nating makamtan sa pamamagitan ni Cristo na siyang nagbibigay sa atin ng panibagong pagkakataon. Kaya naman, hindi pa huli ang lahat para sa ninanais na bagong buhay. Ngayon na ang tamang pagkakataon para makapagsimulang muli.

 

Hinihikayat namin kayo na basahin ang “A New Beginning.” Ang babasahing ito ay tungkol sa pagbibigay sa atin ng Dios ng pagkakataon na makapagsimula muli at mamuhay nang malaya dahil sa ibinigay Niyang pag-asa at mga pangako. Dalangin namin na makatulong ang babasahing ito sa inyong pagtahak sa bagong simula ng inyong buhay.