Mga Tuntunin at Kundisyon

Paalala – basahing mabuti ang mga sumusunod na mga tuntunin bago gamitin ang ang website na ito.

Ang anumang paggamit ng Our Daily Bread Ministries (ODB) Web Sites kabilang ang anumang iniaalok na serbisyo o impormasyon dito ay nakabatay sa mga tuntunin at kundisyon na itinakda ng ODB. At anumang oras ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa mga nakasulat dito ayon sa itinakdang tuntunin o kundisyon ng ODB. Ang ODB ay isang online web site ng Our Daily Bread Ministries na siyang naglathala ng babasahing Pagkaing Espirituwal. Ang tuntunin at kundisyon na ito ay may bisa rin sa iba pang web site tulad ng ODB.ORG, ODB.NET at iba pang web site na nasa pamamahala ng Our Daily Bread Ministries. Sa inyong pagkopya o paggamit ng web site na ito, ipinapahayag ninyo ang inyong pagsang-ayon sa anumang tuntunin at kundisyon na itinakda ng ODB. Maaaring baguhin ng ODB anumang oras ang mga nakasaad sa tuntuning ito maging sa panahon na ginagamit ang web site na ito. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga tuntunin at kundisyong ito, huwag bisitahin o gamitin ang ODB web site.

  1. Pangunahing Gamit ng Website na ito.

1.1 Pansarili lamang ang paggamit ng website na ito at maging ang karapatang magpalathala. Para lamang sa ODB at sa mga gumagamit ang web site na ito. Ang anumang makikitang mga nakasulat, larawan o disenyo sa website na ito ay pagmamay-ari ng ODB at protektado ng batas na pang buong mundo na nagbibigay ng karapatang magpalathala. Kaya, kailangan mong magpaalam sa ODB para magamit ang anuman na nasa web site o mailathala muli. Hindi maaaring kopyahin, ulitin, baguhin, ilathala, i-upload, ilipat, i-post o ibahagi sa iba ang mga nilalaman ng website na ito nang walang pahintulot mula sa ODB na nakasulat sa isang kasulatan. Ang anumang paglabag sa nakasaad dito ay maaaring mapatawan ng parusa nang ayon sa sinasaad sa batas. Hindi rin pinapayagan ng ODB ang anumang sinabi o ipinahayag na nagbibigay ng pahintulot sa paggamit ng karapatang magpalathala, patents, trademarks o mga maseselang impormasyon. Maliban na lang kung ipinahayag ito mismo ng ODB at marami ang nakakaalam.

1.2 Ang mga links sa ODB website. Walang kontrol ang ODB sa anumang mga link na makikita sa ODB website. Wala ring pananagutan ang ODB sa anumang makikita sa iba pang naka-link na web site. May karapatan ang ODB na alisin ang anumang naka-link sa web site o anumang link program na nakalagay sa ODB website. Inilagay lamang ang mga link sa ODB website para makatulong sa inyo. Hindi ineendorso ng ODB ang anumang programa, impormasyon o produkto ng mga naka-link sa ODB web site. Kaya naman, kung pupuntahan ninyo ang anumang link na naka-link dito sa ODB website ay ginagawa ninyo iyon nang ayon sa sarili ninyong desisyon at walang pananagutan ang ODB.

1.3 Pagtanggal ng iyong account sa ODB Site. May karapatan ang ODB na magpasya na tanggalin o suspindihin ang inyong account sa ODB. Anumang oras ay maaari itong gawin ng ODB kahit walang pasabi o dahilan. Kapag tinanggal na ang iyong account sa ODB, mawawala na rin ang inyong karapatan na magamit ang ODB website.

1.4 Maaari mo ring tanggalin ang iyong account sa ODB anumang oras na iyong gustuhin.

1.5 Paggamit ng iyong account. Pinapayagan ng ODB ang ilan sa iyong pamilya sa pag-access ng iyong account. Pero ang may-ari ng account ang may pananagutan sa anumang mangyayari sa paggamit ng kanyang account sa ODB. Hindi mo puwedeng ilipat, ibenta, ibigay ang karapatan o ipamahagi sa iba ang iyong access sa ODB. Pansarili at sa pamilya mo lamang ang paggamit ng iyong ODB account.

1.6 Pinatutunayan at sinisigurado mo na ikaw ay: (1) nasa edad na 18 taon o pinapayagan ng batas na magbigay ng iyong impormasyon na kinakailangan sa iyong ODB account; (2) nagbigay ng lahat ng iyong impormasyon na totoo at walang mali; (3) nakakapagpasya sa sariling desisyon para makapagbigay ng iyong impormasyon. Sumasang-ayon ka na tutuparin mo ang anumang pananagutan at tungkulin na nakasaad sa Tuntunin at Kundisyong ito.

2. Tatak-Pangkalakal.

Ang lahat ng produkto, mga tatak-pangkalakal at mga logo na makikita sa ODB site ay nasa pamamahala ng ODB, ODB Ministries at Discovery House Publishers. Kahit walang logo o tatak-pangkalakal ang isang produkto na makikita sa ODB site ay hindi nangangahulugan na isinasantabi ng ODB ang karapatan sa mga bagay na makikita rito.

3. Pagtanggi sa anumang Pananagutan.

3.1 Pangkalahatan. WALANG PANANAGUTAN O GINAGARANTIYA ANG ODB NA (1) MAIBIBIGAY MISMO, ANG INYONG INAASAHAN SA WEBSITE NA ITO, (2) WALANG ANUMANG PAGKAKAMALI SA MGA IMPORMASYON AT PAGKAANTALA SA MISMONG PAGGAMIT NG WEBSITE, (3) ANG LAHAT NG KALALABASAN SA PAGGAMIT NG ODB SITE AY SAKTO AT MAPAGKAKATIWALAAN. HINDI RIN GINAGARANTIYA NG ODB NA ANG KALIDAD NG IMPORMASYON, PRODUKTO, SERBISYO O IBA PANG MGA BAGAY NA IYONG BINILI O TINANGGAP MULA SA WEBSITE NA ITO AY AKMA MISMO SA INYONG INAASAHAN. WALANG ANUMANG OBLIGASYON ANG ODB NA BAGUHIN, IBAHIN O IPALIWANAG ANG ANUMAN NA NASA SITE NA ITO.

3.2 Walang anumang Garantiya. SA PERMISO NA IBINIGAY NG BATAS, WALANG GINAGARANTIYA AT PINAPAYAGAN ANG ODB TUNGKOL SA ANUMANG IMPORMASYON SA SITE NA ITO. KASAMA RIN ANG MAY KAUGNAYAN SA PAGTITINDA, TITULO, PANGHIHIMASOK, PAGKAKAROON NG VIRUS AT KAPABAYAAN. KAYA NAMAN, IKAW ANG MAY PANANAGUTAN SA ANUMANG PROBLEMA NA IYONG MAKAKAHARAP SA SITE NA ITO.

4. LIMITASYON SA ANUMANG PANANAGUTAN.

4.1 Pag-alis sa Pananagutan. SA PERMISO NA IBINIGAY NG BATAS, WALANG PANANAGUTAN ANG ODB SA ANUMANG PROBLEMANG MANGYAYARI SA GAGAMIT NG SITE NA ITO. ANUMANG PINSALA ANG IYONG MAKAHARAP O INSIDENTE TULAD NG PAGKALUGI, PAGKAWALA NG MAHALAGANG IMPORMASYON, PAGKALAT NG IBA PANG IMPORMASYON, PAGKAANTALA NG NEGOSYO, PAGKAKAROON NG SAKIT, PAGKAWALA NG PRIVACY, KAPABAYAAN AT HINDI PAG-ABOT SA ANUMANG INAASAHAN SA SITE NA ITO AY WALANG PANANAGUTAN ANG ODB. KAYA ALAM MAN O HINDI NG ODB ANG MAAARING MAGING PINSALA SA PAGGAMIT NG SITE AY WALA PA RING PANANAGUTAN DITO ANG ODB. KUNG HINDI KA NA NASISIYAHAN SA PAGGAMIT NG SITE NA ITO O SA ANUMANG TUNTUNIN AT KUNDISYON, ANG PINAKAMABUTING SOLUSYON AY HUWAG NANG GAMITIN ANG SITE NA ITO AT ALISIN NA ANG ANUMANG ACCOUNT NA IYONG GINAWA SA ODB SITE. ANG ANUMANG LIMITASYON, PAG-ALIS AT PAGTANGGI SA PANANAGUTAN NG ODB AY MANGYAYARI NANG AYON SA PERMISO NG BATAS, KAHIT NA ANG ANUMANG SOLUSYON AY HINDI NAKATULONG SA NAIS NITONG MANGYARI.

4.2 Pagbabayad ng Pinsala. Sumasang-ayon ka na magbabayad sa anumang pinsala at ipagtatanggol ang ODB. Sumasang-ayon ka rin na hindi mo pananagutin ang ODB sa anumang pananagutan, pagkukulang, pagdedemanda at pagbabayad sa anumang gastusin tulad ng pagbabayad sa abogado. Mangyayari iyon sa panahon na iyong ginamit ang ODB SITE at lumabag ka sa mga tuntunin at kundisyon ng site na ito.

5. Patakaran sa Privacy ng Our Daily Bread Ministries

5.1 Sumasang-ayon ka sa anumang kundisyon na nakasaad sa Patakaran ng Privacy ng ODB na makikita sa site na ito.

5.2 Ang anumang pagtutol na may kinalaman sa Patakaran ng Privacy ng ODB ay mananagot sa anumang nakasaad sa mga tuntunin at kundisyon ng site na ito.

6. Pangkalahatang Tuntunin.

6.1 Pagbabago. May karapatan ang ODB na baguhin anumang oras ang mga nakasaad sa tuntunin, kundisyon o paalala sa site na ito. Kaya naman, lagi ninyong tingnan ang pahinang ito tungkol sa mga tuntunin at kundisyon para makita ang anumang pagbabago sa site at para na rin sa inyong ikabubuti. Maaaring palitan ng ODB ang anumang nakasaad sa tuntunin o kundisyon na makikita sa anumang ODB Site, kahit walang paalala na inilagay sa anumang ODB site. May karapatan din ang ODB na baguhin o ihinto ang site nang pansamantala o permanente, naipagbigay-alam man o hindi sa mga gumagamit ng site. Kaya, sumasang-ayon ka na walang anumang pananagutan ang ODB o ang mga site na may kinalaman sa ODB kung may pagbabago o pagtitigil sa ODB site.

6.2 Pagtalaga. Hindi ka maaaring magtalaga ng anumang karapatan o obligasyon sa anumang nakasaad sa tuntunin at kundisyon nang walang pahintulot mula sa ODB. Dapat din na nakasulat ito bilang isang kasunduan. Ang anumang pagtatangka na gawin ito ay maaaring magresulta sa paglabag sa tuntunin at kundisyon.

6.3 Nakakasaklaw na Awtoridad. Ang mga tuntunin at kundisyong ito ay nasasaklaw ng pamamahala ayon sa batas ng Estado ng Michigan, at hindi sumasalungat sa anumang batas. Ang ODB at ang mga gagamit ng site na ito ay sumasang-ayon na ang lahat ng hindi pagsang-ayon sa mga nakasaad sa tuntunin at kundisyon ay mananagot sa Estado at sa korte ng Michigan. Walang karapatan ang sinuman na gumagamit gagamit ng ODB site at sa lahat ng nasasaklaw nito kung hindi ito sasang-ayon sa lahat ng tuntunin at kundisyon na nakasaad dito.

6.4 Karampatang Tulong. Kinikilala at tinatanggap mo na ang anumang paglabag sa Tuntunin at Kundisyon na ito ay magdudulot ng pinsala na hindi agad maaayos at hindi rin agad masosolusyunan sa pamamagitan ng pagbabayad ng pera sa anumang pinsala. Kaya, sa anumang oras na nilabag mo ang Tuntunin at Kundisyon na ito kasama roon ang pagkasira ng reputasyon, pagkalugi at pagkawala ng karapatan ng ODB sa Site na ito, may karapatan ang ODB na magsagawa ng aksyon para maihinto o mahadlangan ang anumang pinsala at pagkalugi.

6.5 Kabuuang Kasunduan. Ang anumang napagkasunduan mo at ng ODB sa mga nakasaad sa Tuntunin at Kundisyon ay nakahihigit sa anumang sinabi o isinulat na napagkasunduan na may kinalaman sa mga Tuntunin at Kundisyon na ito. Walang anumang pahayag, pagdedemanda, garantiya o anumang kasunduan ang makapagbabago, makakaapekto, makapagpapahinto, makapagbibigay ng ibang kahulugan sa mga nakasaad sa Tuntuntin at Kundisyon na ito.