Epektibo mula Enero 15, 2015
Ang mga sumusunod na salita tulad ng “ODB”, “kami”, “amin” o “namin” na mababasa sa patakarang ito ay tumutukoy sa Our Daily Bread Ministries. Ang Our Daily Bread Ministries ay nagpapahalaga sa privacy ng mga bumibisita sa aming website. Gumawa kami ng mga panuntunan tungkol sa privacy upang ipaalam kung paano namin ginagamit ang mga impormasyong nakakalap namin sa aming mga website at mga application sa mobile device o ODB Site sa kabuuan. Nakalagay din dito kung paano namin pinagsasama-sama at ginagamit ang mga impormasyon. Ang mga panuntunang ito ay gagamitin sa lahat ng mga website na may kaugnayan sa ODB.
MGA PANUNTUNAN TUNGKOL SA PRIVACY
Ito ang mga panuntunan kung paano ginagamit ang mga nakalap na impormasyon sa website na ito:
- Patakaran sa mga Personal na Impormasyon. Pinapanatili ng ODB at sa lahat ng mga bahagi nito ang mahigpit na pagpapatupad sa patakaran na hindi namin kailanman ipagbibili o ipapahiram nang may bayad ang iyong mga pribadong impormasyon. Hindi rin namin ito ipamimigay sa ibang tao o sa mga organisasyon na komersiyal o non-profit. Maaari lamang naming ibahagi ang mga pribadong impormasyon kung kinakailangan bilang pagsunod sa batas, o upang maprotektahan ang mga karapatan, pag-aari o ang kaligtasan ng ODB at maging ng aming mga tagapagtangkilik o ng ibang tao. Anumang personal na impormasyon (pangalan, address ng tirahan, numero ng telepono at/o ng e-mail address) na ibibigay mo sa amin ay gagamitin lamang sa kung saan talaga ito dapat gamitin.
- Pagkolekta at Paggamit sa mga Personal na Impormasyon. Maaari naming hingin ang iyong personal na impormasyon depende kung ano ang nais mong gawin sa ODB Site pero ikaw pa rin ang magpapasya kung ibabahagi mo ito sa amin. Gayon pa man, may ilang bahagi sa ODB Site na hindi magagamit kung hindi mo ibibigay ang iyong mga impormasyon. Ang personal na impormasyon na iyong ibinigay ay aming magagamit para makilala, matawagan o ika’y mahanap kung kinakailangan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng mga sitwasyon kung kailan namin kailangang hingin ang iyong personal na impormasyon:
1. Sa paggawa ng account sa ODB. Kung gagawa ka ng account sa ODB, kailangan mong ibigay ang iyong e-mail address. Kailangan mo ding ibigay ang address ng iyong tirahan. Maaari ka ring magbigay sa amin ng mga impormasyon tungkol sa iyong mga interes o nais malaman. Sa pamamagitan nito, magagawa naming maipaalam sa iyo ang aming mga anunsyo, mga system update, mga bagong produkto at iba pang impormasyon.
2. Sa pakikipag-ugnayan sa amin o Contact Us. Kung nais mong makipag-ugnayan sa amin, kailangan mong punan ang Contact Us form na nakalagay sa iba’t ibang bahagi ng ODB Site. Ginagawa namin ito para ikaw ay bigyan ng pagkakataon na magtanong, magbigay ng iyong opinyon at ibahagi sa amin ang iyong mga request o mga nais mangyari. Magagamit din namin ang mga impormasyon na iyong ibinigay para masagot ang iyong mga katanungan, opinyon at mga nais mangyari. Maaari din naming magamit ang iyong mga opinyon para mas lalong mapaganda at maging maayos ang ODB Site. Sa pamamagitan din ng iyong mga opinyon na ibinahagi sa amin ay aming masusuri ang mga kailangang baguhin at alisin na impormasyon sa ODB Site.
3. Sa pagrerehistro ng e-mail. Kung irerehistro mo ang iyong e-mail, makakatanggap ka lagi ng e-mail mula sa ODB. Sa pagrerehistro ng iyong e-mail, hihingin namin ang iyong personal na impormasyon tulad ng pangalan, e-mail address, bansa kung saan ka nakatira at ang iyong mga nais. Magagamit ng ODB ang mga impormasyong ito para malaman namin kung ano ang dapat ilagay sa e-mail na ipapadala sa iyo. Magagamit din namin ang mga impormasyon para maiakma ang iyong nais sa paggamit mo ng ODB Site, at para mas mapaganda pa ang mga produkto namin. Nagpapadala lamang kami ng e-mail sa mga sumang-ayon na padalhan namin sila. Kung sakaling ayaw mo nang makatanggap ng e-mail mula sa amin at nais mo nang matanggal sa aming e-mail list, pindutin lamang ang Unsubscribe button na makikita sa e-mail.
4. Sa paggamit ng Mobile App. Marami kang mga app na iniaalok para sa inong mga mobile device katulad ng mga cellphone at tablet. Kailangan mo munang gumawa ng account bago magamit ang lahat ng feature ng mga application tulad ng pagbibigay ng komento, pagsusulat sa journal at paglalagay ng bookmark.
3. Mga Logged File at Cookies. Kapag naglog-in ka sa Internet, nagtatalaga agad ang ISP ng IP address sa iyong computer. Sa pamamagitan ng IP address, malalaman ng Web Server ang iyong computer. Ginagamit namin ang iyong IP address para makatulong sa pagsusuri kung ano ang problema sa aming mga server, sa pamamahala ng ODB Site, at sa patuloy na pagpapaganda sa kalidad ng aming mga produkto na makikita sa ODB Site.
- Ang mga Nakakalap na Impormasyon. Sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, nangongolekta kami ng mga impormasyon mula sa inyo sa ODB Site. Ang isang layunin kaya kami kumukuha ng mga personal na impormasyon ay para mas maging maayos, makabuluhan at mas bumagay sa inyong mga interes ang matatanggap ninyong serbisyo mula sa amin. Maaaring mangolekta ng personal na impormasyon ang ODB sa lahat ng mga bumili ng mga produkto mula sa ODB.org, ODB Ministries, o sa kahit anong kabahagi ng ODB Ministries na may kinalaman sa paglalathala. Anumang personal na impormasyon na nakolekta ng ODB mula sa inyo ay gagamitin sa (a) pagpapadala ng mga produkto at serbisyo; (b) pagsusuri sa mga ginagawa ng mga tagapagtangkilik o customer sa aming site; (c) pagpapakilala sa mga produkto at serbisyong iniaalok namin; (d) pag-iisip ng plano kung paano mapapaunlad ang ODB Site at ang mga produkto at serbisyo; at (e) paggawa ng talaan ng mga customer at ng mga gumagamit ng aming website. May pagkakataon naman na kailangan naming ibigay ang inyong mga personal na impormasyon sa alinmang tanggapan ng ODB sa buong mundo at sa aming mga sangay upang maibigay sa inyo ang produkto o serbisyo na inyong nais.
1. Nagkaroon kami ng kasunduan sa mga pinagkakatiwalaan naming mga agent at mga business member na siyang nagbibigay ng mga support service at mga kagamitan na kailangan ng ODB at ng ministry associate nito upang makapagbigay ng mga produkto at serbisyo. Maaaring magbigay kami ng impormasyon sa mga agent at mga business associate. Halimbawa, kapag bumili ka sa amin, kokolektahin ng aming processing agent ang ibibigay mong mga impormasyon, at ang iyong impormasyon sa credit card ay ibibigay namin sa aming credit card processor upang makumpleto ang transaksyon. Kung maaari, huwag mo nang ibigay ang impormasyong hindi mo nais na ibigay.
2. Nangongolekta kami ng mga impormasyon tulad ng edad, kasarian, at mga interes tungkol sa iba pang mga tao sa pamamagitan ng Google Analytics. Ginagamit namin ang mga impormasyong ito upang mas maisaayos ang Site. Maaari din naming gamitin ang impormasyong ito upang malaman namin kung ano ang angkop para sa aming mga mambabasa.
3. Paminsan-minsan, maaari kaming humingi ng reaksyon sa pamamagitan ng mga survey sa mga bumubisita sa aming Site. Gagamitin ang mga impormasyong ito upang lalo pang maisaayos ang aming mga produkto at mga serbisyo.
4. Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo para maayos mo ang iyong mga personal na impormasyon. Sa gayon, malaman mo ang iba pa naming produkto at serbisyo.
5. Ang ODB at Discovery House Publishers (DHP) ay mga gawaing non-profit na nagpapatuloy sa pamamagitan ng pinansyal na suporta ng mga tapat na kaibigan at mga miyembro nito. Hindi kami nagpapadala ng mga sulat na humihingi ng tulong pinansiyal sa aming mga contact o sa kaninuman sa aming mailing list. Gayon pa man, may karapatan pa rin kaming baguhin ang patakarang ito sa darating na panahon ayon sa desisyon ng governing board ng ODB.
- Seguridad. Napakahalaga para sa ODB ang protektahan ang iyong privacy. May ginagamit kami upang protektahan ang integridad ng aming Site at ang pagkapribado ng mga impormasyong aming nakolekta. Batid ng aming mga empleyado at mga boluntaryo ang aming mga patakaran tungkol sa privacy at seguridad. Subalit ang mga makaka-access lamang ng iyong mga impormasyon ay ang mga awtorisadong empleyado at boluntaryo na nangangailangan ng mga iyon bilang pagtupad sa kanilang trabaho. Gayon pa man, hindi namin lubos na matitiyak ang seguridad ng mga impormasyong nakolekta namin at wala kaming pananagutan sa hindi awtorisadong pag-access ng mga ito ng ibang partido.
- Mga Limitasyon o Restriksiyon. Para lamang sa mga edad 18 pataas ang ODB Site.
- Pag-update ng mga Personal na Impormasyon. Kung iyong nanaisin, maaari kang magkaroon ng access sa iyong personal na impormasyon sa loob ng 60 araw at wala itong bayad. Kung hindi ka naman makapag-access sa loob ng 60 araw, magbibigay kami ng petsa kung kailan maibibigay ang impormasyon na iyong hinihingi at kung sa anumang dahilan ay hindi ka pinahintulutan na magkaroon ng access, magbibigay kami ng pahayag kung bakit hindi namin iyon ipinahintulot.
- Mga Link. Maaring may makikita ka sa ODB Site na mga link na magbibigay access sa ibang website na hindi pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng ODB. Gayon pa man, hindi ibig sabihin na ineendorso namin ang mga ito o sinusuportahan ang kanilang mga patakaran sa privacy. Maaari mo namang bisitahin ang mga website para malaman mo ang kanilang mga patakaran at ang pagkakaiba nito sa mga patakaran namin. Iminumungkahi namin na iyong basahin ang mga patakaran sa privacy ng bawat website na bibisitahin mo.
- Mga Message Board at Komento. Nagiging pampubliko ang anumang ipinahayag na impormasyon na nasa message board, chat room, komento, atbp. Ang bawat ipinahayag na pananaw ay hindi kumakatawan sa mga opinyon at pinaniniwalaan ng ODB. Ang ODB ay hindi responsable sa anumang hindi katanggap-tanggap na pananalita at mga paksang pinag-uusapan. Sa kabila nito, sisikapin namin itong suriin upang matiyak na ang mga nararapat lamang na paksa ang mapag-uusapan dito.
- Mga Update sa Patakarang ito. May karapatan kaming i-update ang mga patakaran tungkol sa privacy anumang oras. Ilalagay namin sa aming Site ang mga pagbabago at kung kailan ito maisasakatuparan. Lagi mong bisitahin ang aming Site upang iyong malaman kung ano ang mga panibagong ipinapatupad na patakaran.
- Pagtanggap. Ang pagbisita at paggamit sa Site ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang mga patakaran tungkol sa privacy at ang anumang mga pagbabago sa Site. Kung ikaw naman ay may mga katanungan o reklamo tungkol sa paggamit ng iyong mga impormasyon, o sa pahayag na ito, maaari kang makipag-ugnayan sa amin gamit ang Contact Us form sa Site na ito. Maaari ka ring sumulat sa address na ito:
Our Daily Bread Ministries
3000 Kraft Ave. SE
Grand Rapids, MI 49512
Mga Tuntunin at mga Kundisyon sa Paggamit
- Kung mayroon kang hindi sinasang-ayunan sa mga patakaran ng ODB sa Privacy at sa paggamit ng website ng Our Daily Bread Ministries, maaari mong tingnan ang mga tuntunin at kundisyon ng ODB at patakaran namin tungkol sa Privacy. Ito ang magsisilbing basehan na dapat sundin.
- Nakakasaklaw na awtoridad. Ang mga tuntunin at kundisyong ito ay nasasaklaw ng pamamahala ayon sa batas ng Estado ng Michigan, at hindi sumasalungat sa anumang batas. Ang ODB at ang mga gagamit ng site na ito ay sumasang-ayon na ang lahat ng hindi pagsang-ayon sa mga nakasaad sa tuntunin at kundisyon ay mananagot sa Estado at sa korte ng Michigan. Walang karapatan ang sinuman na gumagamit gagamit ng ODB site at sa lahat ng nasasaklaw nito kung hindi ito sasang-ayon sa lahat ng tuntunin at kundisyon na nakasaad dito.
Huling inayos noong Enero 15, 2015