Maraming salamat po sa inyong patuloy na pananalangin sa amin!

Umaasa kami sa kagandahang-loob ng Dios na tutulungan Niya kami na maipahayag sa mga tao ang Kanyang Salita. Samahan n’yo po kami sa pananalangin para sa Bansang Pilipinas!

Ito ang tamang panahon para hilingin natin sa Dios na gabayan Niya tayo para sa magandang kinabukasan ng ating bansa. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap, kaya kailangan natin ang tulong at gabay ng Dios upang mapagtagumpayan natin ang mga haharapin nating pagsubok bilang isang bansa. Kailangan natin ang gabay ng Salita ng Dios nang sa gayon, mapuno tayo ng pag-asa at magkaroon ng kaayusan sa ating minamahal na bansa.

Samahan po ninyo kaming idalangin ang mga sumusunod:

  • Pakisama po sa inyong dalangin ang ilan po sa ODBPH Staff na dadalo sa ating Asia Pacific Digital Marketing Workshop at Information Services Meeting. Gaganapin po ang mga ito sa Jakarta, Indonesia sa loob ng dalawang linggo. Idalangin po natin na ingatan sila ng Dios sa kanilang pagbiyahe at maging kagamit-gamit sa gawain ng ODB ang lahat ng kanilang matututunan sa workshop na iyon.
  • Pakisama po sa inyong dalangin ang pagsisikap ng aming Digital Marketing na makalikha ng mga bago at magagandang content na aming mailalagay sa website, e-mail at iba pang social media platform. Nawa, makapagbibigay ito ng lakas ng loob at kagalakan sa maraming mambabasa.
  • Pakisama po sa inyong dalangin ang ODB Translation Team sa Filipino at Cebuano sa kanilang ginagawang pagsasalin ng iba’t ibang ODB Resources para sa susunod na taon.
  • Pakisama po sa inyong dalangin ang Creatives Team sa kanilang ginagawang trabaho at paglikha ng bagong disenyo para sa mga bagong ODB Resources.
  • Pakisama po sa inyong dalangin na magkaroon pa kami ng pagkakataon na maging katuwang sa paglilingkod ang iba’t ibang mga iglesya, eskuwelahan, at mga iba pang organisasyon na kapwa namin naglilingkod sa Panginoong Jesus upang marami pa ang maabot ng Salita ng Diyos.
  • Pakisama po sa inyong mga dalangin ang maayos na kalusugan, proteksyon at pag-iingat ng Diyos para sa lahat ng ODB Pilipinas staff at maging ang kanilang pamilya.