Ang Our Daily Bread Ministries ay lubos na nagtitiwala sa Dios. Umaasa kami sa Kanyang karunungan at kakayahan na ibinibigay sa amin para mapamahalaan ang gawaing ipinagkatiwala Niya. Tanging sa Biblia nakabatay ang aming mga pinaniniwalaan. Tapat naming pamamahalaan ang mga gawaing ipinagkatiwala ng Dios at ipinagpapasalamat namin sa Kanya ang bawat pagkakataon na maipahayag ang Kanyang Salita.
Ang Aming mga Panuntunan
Ang Batayan ng aming Paniniwala
- Naniniwala kami na ang Biblia ang siyang pamantayan sa pagsusuri ng anumang paniniwala, katuruan, patakaran at kaugalian (2 Timoteo 3:16).
- Naniniwala kami na dapat ipinapahayag nang tapat ang aming pananampalataya (2 Timoteo 1:13).
- Naniniwala kami na dapat maipaliwanag nang malinaw ang mga itinuturo ng Biblia (Gawa 20:27).
Ang Pagpili sa mga Mamumuno
- Pumipili kami ng mga mamumuno na nagnanais maglingkod, may kakayahang mamahala at nagtataglay ng mabubuting katangian (Exodo 18:21; 1 Timoteo 3:1-13).
Ang Pagiging Tapat sa Panginoon
- Pinapanatiling maayos ang aming relasyon sa Panginoong Jesu-Cristo. Hindi namin hahayaan na sabihin Niya sa amin na, “Ito ang ayaw ko sa inyo: ang inyong pag-ibig sa Akin ngayon ay hindi na tulad ng dati” (Pahayag 2:4 ASD).
- Ginagawa ang mga dapat gawin sa Our Daily Bread Ministries nang ayon sa karunungan at paggabay ng Dios, sa halip na umaasa sa sariling kakayahan (Galacia 2:20; 3:3).
- Nagtatrabaho man kami o hindi, patuloy kaming namumuhay sa paraang nakikita na kami ay mga nagtitiwala sa Panginoong Jesus (1 Pedro 1:14-15).
- Nagpapatuloy kami sa pagtitiwala sa Dios at sinisikap na gawin kung ano ang tama at mabuti (1 Pedro 3:16).
May Pagmamalasakit sa Aming Pinaglilingkuran
- Ipinapakita namin ang aming pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na serbisyo (2 Corinto 4:5, 15).
- Ipinapakita namin ang aming pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan at umiiwas kami na makasakit ng ibang tao (2 Timoteo 2:24).
- Pinapanatili namin ang aming magandang relasyon sa mga taong nagpapahalaga sa aming ginagawa (2 Corinto 4:2).
- Nagmamalasakit din kami sa mga may kaugnayan sa amin at maging sa lipunan (Roma 13:7-8).
May Pagmamalasakit sa Aming Kapwa Manggagawa
- Pinapahalagahan ang kapakanan ng aming kapwa naglilingkod sa Dios (Filipos 2:1-4).
Kalidad ng Aming Serbisyo
- Sinisikap namin na maging maaayos at maganda ang aming ibinibigay na serbisyo para mas maipahayag ang mensahe ng Panginoon (1 Corinto 10:31).
- Sinisikap namin na maging tapat sa pamamahala ng mga bagay na ipinagkatiwala sa amin ng Panginoon (1 Corinto 4:2).
Makikita sa Aming Serbisyo
- Nakaayon sa dami ng pangtustos ang pagdaragdag o pagbabawas sa aming mga gawain.
- Umiiwas kami na magkaroon ng utang (Roma 13:8).
- Hindi kami nagdedesisyon nang ayon lamang sa sariling kapakanan (Filipos 1:19-26).
- Umiiwas kami na bigyang-kapurihan ang sarili (Kawikaan 27:2).
Ang Aming Pakikiugnayan sa Iba Pang Kamanggagawa sa Gawain ng Dios
- Kinikilala at nirerespeto namin ang iba o organisasyon na naglilingkod para sa Panginoon (1 Corinto 1:10-13).
- Umiiwas na magkaroon ng anumang kaugnayan sa iba na maaaring makaapekto para hindi namin maabot ang aming layunin o para hindi maging epektibo sa aming mga ginagawa (2 Corinto 6:14).
- Pinamumunuan namin ang ministeryong ito sa paraan na makakatulong sa pangangailangan ng bawat kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus (Efeso 4:1-7).