Mula sa Cuba, si Aurelio ay pumunta sa Amerika upang abutin ang mga pangarap na umunlad. Pagdating doon, tumira siya sa California at nagdisenyo ng mga bahay ng aso para ipagbili. Libu-libo ang kanyang kinita. Pagkalipas ng ilang taon, ibinenta niya ang negosyong ito sa halagang 62 milyong dolyar.

 

Gayunman, sinabi ni Aurelio na may kulang pa rin sa kanyang buhay. Hindi siya isang relihiyosong tao, pero pinag-aral niya ang kanyang mga anak sa isang paaralan ng mga Cristiano. Kaya’t si Randy na punong-guro ng paaralang iyon ay naging bahagi ng kanyang buhay.

 

Isang araw, kumain sa labas sina Randy at Aurelio. Tinanong ni Randy si Aurelio kung ano ang alam niya tungkol kay Jesus. Sinabi ni Aurelio na ipinanganak si Jesus noong Pasko at namatay nang Biyemes Santo.

 

Tinakasan ni Aurelio ang kanyang buhay sa Cuba at tinatakasan niya ang problema nilang mag-asawa sa isa’t isa. Sinabihan siya ni Randy na sa Panginoong Jesus tumakbo. Namatay Si Jesus para sa kanya at patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. Sa Panginoong Jesus nga tumakbo si Aurelio. Sumampalataya siya kay Jesus. Maayos na ang buhay niya ngayon at mayroon nang negosyo uli. Ang tindahan niyang C28 (hango sa Colosas 2:8) ay nasa mga mall sa buong Estados Unidos. Minsan ay naaakay ni Aurelio sa Panginoon ang kanyang mga suki. Tinawag ng Panginoon Si Aurelio at tinatawag din Niya tayo:

 

“Lumapit kayo sa akin… at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa”
(Mateo 11:28-29).

 



Kung gusto mong takasan ang iyong mga problema, kay Jesus ka tumakbo.
Sumampalataya ka sa Kanya at tanggapin ang buhay na walang hanggan na iniaalok Niya.