
BAGONG SIMULA
Sa nakaraang ilang dekada, natutunan natin ang salitang reboot sa larangan ng pelikula. Sa isang reboot, muling binubuhay ang isang lumang kuwento. Iba’t iba ang paraan ng pag-reboot sa isang kuwento. Pero sa lahat ng reboot, muling isinasalaysay ang kuwento sa bagong paraan. Kumbaga, isang bagong simula.
May isa pang kuwentong may kinalaman sa reboot. Ito ang Magandang Balita ng pagliligtas ni…

MAGING MALINIS
Kamakailan lamang, habang naglilinis kami ng aking asawa, napansin ko ang dumi sa aming puting sahig. Nahirapan akong linisin ito. Dahil habang nagkukuskos ako, napansin
kong parang mas lalong dumarami ang nakikita kong dumi. Sa huli, napagtanto kong kahit anong kuskos ang gawin ko sa aming sahig, hindi ko na ito muling mapapaputi.
Parang ganito rin naman ang nakasulat sa…

AMOY KAPE
Isang umaga, ilang taon na ang nakalilipas, nakaupo ako sa aking upuan nang biglang bumaba ang aking bunsong anak. Tumakbo siya papunta sa akin at sumampa sa aking kandungan. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. Tumawa siya nang masaya. Pero maya- maya, kumunot ang kanyang noo. Tiningnan niya nang masama ang tasa ng kape sa aking kamay. “Tatay,” sabi…

BIYAYA SA GITNA NG KAGULUHAN
Pahimbing na sana ako sa biglaang pag-idlip nang biglang tumugtog ng gitarang dekuryente ang anak kong lalaki sa ibaba ng bahay namin. Ramdam ang dagundong sa pader. Walang katahimikan. Walang tulog. Saglit lang ang nakalipas may kalaban na ang ingay ng gitara: ang anak kong babae nagpapatugtog ng Amazing Grace sa piano.
Karaniwang natutuwa ako ‘pag naggigitara ang anak ko. Pero…

Tinatakbo Ang Karera
Maiksi lang ang taon ng paglalaro ng mga propesyunal na manlalaro ng football sa NFL (National Football League). Karaniwan 3.3 taon lang, ayon sa statista.com. Pero dalawangpu’t dalawang taon nang naglalaro sa NFL noong 2021 ang apatnapu’t dalawang taong gulang na quarterback na si Tom Brady. Paano? Baka dahil sa mahigpit niyang disiplina sa pagkain at ehersisyo.
Dahil sa pitong singsing na tanda…