Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Adam R. Holz

Huwag nang Tumakbo

Noong Hulyo 18, 1983, isang kapitan ng hukbong panghimpapawid mula sa Albuquerque, New Mexico ang biglang nawala. Makalipas ng tatlumpu’t limang taon, natagpuan siya ng mga awtoridad sa California. Ayon sa The New York Times, pinili ng kapitan na takbuhan na lang ang naranasan niyang labis na pagkabigo sa kanyang trabaho.

Napakatagal ng tatlumpu’t limang taon ng kanyang pagkawala. Kalahati ng…

Kilala Tayo ni Hesus

Minsan, habang nakasakay kami ng aking anak sa kotse, tinanong niya ako kung anong oras na. Sinagot ko siya at sinabi ko na 5:30. Alam ko na agad ang susunod niyang sasabihin. “5:28 pa lang po.” Napangiti ang aking anak. Napangiti din ako dahil kilalang-kilala ko na ang anak ko pati kung ano ang susunod niyang sasabihin.

Kagaya ng ibang mga…

Mga Bagay na Lumipas

Sikat na pelikula noong 1993 ang Jurassic Park. Mapapanood dito ang eksena kung saan mabilis na pinapatakbo ng bida ang kanyang sasakyan dahil hinahabol sila ng dinosaur. Kitang-kita mula sa salamin ng kanilang sasakyan ang nakakatakot na hitsura ng dinosaur at ang mabilis nitong paghabol sa kanila.

Nakakatakot at nakakakaba ang eksenang ito sa pelikula. Maaaring katulad ito ng ating nararamdaman…

Ang Bumalikong Tore

Nang bisitahin namin noon ang ilang mga kaibigan sa kanilang lugar, sinabi nila sa amin na nagdulot ng takot ang bumalikong tore ng kanilang simbahan dahil sa malakas na bagyo. Inayos naman ito agad pero napaisip ako na kadalasan, inaasahan natin na mukhang perpekto ang lahat ng makikita sa simbahan. Tila isa itong lugar kung saan hindi tayo puwedeng magpunta kung…

Bagong Puso

Minsan, nakatanggap ako ng hindi magandang balita tungkol sa aking ama. Sumakit ang kanyang dibdib dahil may nakabara pala sa ugat ng kanyang puso. Dahil dito, kailangan siyang operahan. Nag-aalala ang tatay ko noon pero dahil ooperahan siya sa mismong Araw ng mga Puso, gumaan ang kanyang pakiramdam. Sabi niya, “Magkakaroon ako ng bagong puso sa Araw ng mga Puso!” At…