Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Joe Stowell

Ibibigay ng Ama

Marami akong tungkulin bilang isang tatay. Isa na rito ang tiyaking ligtas ang aking mga anak. Minsan, natuklasan ng mga anak ko na may mga bubuyog sa harapan ng aming bahay. Kaya naman, kinuha ko agad ang pampatay sa mga bubuyog. Pero limang beses akong nakagat nito.

Masakit makagat ng mga bubuyog. Pero ayos lang sa akin na ako ang nakagat…

Relasyon kay Jesus

Hindi ko makakalimutan ang pagkakataon nang makausap ko ang sikat na tagapagturo ng Biblia na si Billy Graham. Medyo kinabahan ako kung ano ang mga sasabihin ko sa kanya. Naisip ko na magandang simulan ang aming pag-uusap sa isang tanong tungkol sa pinakamaganda niyang karanasan sa ilang taong paglilingkod sa Dios. Nahihiya man, nagmungkahi ako ng mga posibleng sagot. Ito ba…

Laging Magpasalamat

Noong ikinasal kami ng asawa ko ay nangako kami na magiging tapat sa isa’t isa “sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at sa kasaganaan man o kahirapan.” Naisip ko na parang kakaiba na isama sa pangangako ang hindi magagandang bagay tulad ng kahirapan at karamdaman sa isang masayang okasyon tulad ng kasal. Pero isang katotohanan naman na kasama…

Ginawa ang Lahat

Ilang taon na ang nakakaraan, nawala ang anak ng kaibigan ko habang naglalakad sila sa sakayan ng tren kung saan napakaraming tao. Talaga namang nakakatakot ang pangyayaring iyon para sa kanya. Para mahanap ang kanyang anak, binalikan niya ang mga dinaanan nila at saka isinigaw ang pangalan nito. Parang kay tagal ng ilang minuto nilang pagkakahhiwalay. Sa kabutihang palad, nakita…

Mahalin ang bawat Isa

Hinahangaan ko ang isang grupo ng mga nagtitiwala kay Jesus. Nagsimula ang kanilang pagtitipon bilang gawain na tumutulong sa mga dating bilanggo. Sa kasalukuyan, iba’t ibang klase ng tao ang dumadalo sa kanilang pagtitipon. Natutuwa talaga ako sa grupong ito dahil naaalala ko sa kanila kung ano sa tingin ko ang makikita ko sa langit. Na ito ay puno ng iba’t…

Gagabayan Niya Tayo

Masaya akong maranasan sa unang pagkakataon ang magbalsa sa rumaragasang alon sa ilog. Napakagandang karanasan ang sumagwan sa maalon na ilog. Pero nakaramdam ako ng takot at panganib nang marinig ko ang dumadagundong na alon. Nawala ang takot ko at alam ko nang ligtas ako nang sumasagwan na ang aking kasamang gabay na nasa balsa rin.

Ang mga pagbabago naman sa…

Impluwensiya

Ilang taon na ang nakalipas nang kumain kaming magasawa sa isang kainan sa England at may mga nakilala kami sa lugar na iyon. Pagkatapos kumain, nagkuwentuhan kami habang nagkakape. Tinanong namin ang isa’t isa kung ano ang aming mga trabaho. Nang mga panahong iyon, presidente ako ng Moody Bible Institute sa Chicago sa bansang Amerika.

Inaasahan kong hindi nila alam ang…