Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Karen Huang

KAPAG NAPAGOD KA

Nakaupo ako kaharap ang kompyuter. Ninanamnam ko ang katahimikan sa pagtatapos ng isang araw ng trabaho. Masaya dapat ako sa natapos ko sa araw na iyon, pero hindi. Pagod ako. Masakit ang balikat ko sa bigat ng pagkabalisa dahil sa problema sa trabaho, at abala ang utak ko sa kakaisip tungkol sa isang problemadong ugnayan. Gusto kong takasan lahat—kaya naisip…

ANONG LAYUNIN KO?

“Ito ang mga sinabi ni Harold. Palagi niyang sinasabi sa anak niya na matanda na siya at wala nang layunin at kabuluhan ang buhay niya. “Maaari na akong kunin ng Dios kahit anong oras.”

Pero nagbago ang pananaw ni Harold. Isang hapon, nakausap niya ang kapitbahay niya. Maraming problema ang kapitbahay niya kaya ipinanalangin niya ito. Binahagi rin ni Harold…

TUWING MALUNGKOT KA

Mag-isang kumakain ng hapunan si Hui-Liang. Kapitbahay niya ang pamilya Chua, at masaya silang naghahapunan nang sama-sama. Dinig na dinig mula sa bahay ni Hui-Liang ang tawanan at masayang kuwentuhan ng pamilya Chua. Nang pumanaw kasi ang asawa ni Hui-Liang, palagi na siyang malungkot at mag-isa. Sa paglipas ng panahon, lalong naging malungkot na alaala kay Hui-Liang ang pagpanaw ng…

MAY NAKAKARINIG

Sa librong Physics, itinanong ito nina Charles Riborg Mann at George Ransom Twiss: “Kapag natumba ang puno sa isang tahimik na kagubatan, may tunog ba ito kung wala namang malapit na hayop na makakarinig?” Naging ugat iyan ng mga pilosopiko at siyentipikong talakayan tungkol sa tunog, pang-unawa, at buhay. Pero wala pang tiyak na sagot para diyan.

Parang katulad niyan…

LAGING MAPAGKAKATIWALAAN

Mapag-alala ako. Kaya naman idinikit ko sa salamin ng aming banyo ang sinabi ni Hudson Taylor, isang mangangaral ng Biblia. Binabasa ko ito kapag nag-aalala ako, “Mayroong isang buhay na Dios. Nagsalita Siya sa Biblia. Seryoso Siya sa Kanyang mga sinabi at tutuparin NIya ang lahat ng Kanyang ipinangako.”

Nagmula ang mga sinabi ni Taylor sa maraming taon ng paglakad…