Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Karen Huang

Nakikita Ng Dios

Single mom ang kaibigan kong si Alma. Noong iwan siya ng asawa niya, mag-isang dinala niya ang responsibilidad ng pagpapalaki sa kanyang mga anak. “Mahirap,” sabi niya, “pero alam kong nakikita ako ng Dios, kami ng pamilya ko. Binibigyan Niya ako ng lakas para gumawa ng dalawang trabaho, magtustos sa mga pangangailangan namin, at hayaang maranasan ng mga anak ko ang…

Yabang at Panlilinlang

Maibiging Dios, salamat po sa marahang pagwasto Mo sa akin. Sa yabang ko, akala ko kaya ko lahat mag-isa. Masakit ang dasal kong ito. Ilang buwan na akong tagumpay sa trabaho. Dahil sa mga parangal, natukso akong magtiwala sa sariling kakayahan at tanggihan ang pangunguna ng Dios. Natauhan lang ako na ‘di ako kasing galing nang akala ko noong makaharap ko…

Batid Niya

Malapit nang magsimulang magtrabaho si Lea bilang nurse sa Taiwan. Mas matutustusan na niya ang pangangailangan ng pamilya, kaysa kung sa Maynila na mas limitado ang trabaho at kita. Noong huling gabi bago tumungo sa Taiwan, nagbilin siya sa kapatid na mag-aalaga sa anak niyang limang taong gulang. “Iinumin niya ang bitamina kung bibigyan mo rin siya ng isang kutsara…

Kanyang Kapayapaan

Nitong mga nakaraang buwan, puro pagod at problema sa trabaho ang naranasan ko. Palagi akong nag-aalala kaya nagulat ako dahil sa kabila ng mga problema ay nakadarama ako ng kapayapaan. Sa halip na mag-alala ako, kalmado kong hinarap ang mga pagsubok sa trabaho. Naniniwala ako na tanging sa Dios nagmumula ang ganitong kapayapaan sa aking puso.

May pagkakataon naman na…

Tunay Na Kabutihan

“Kumain ka na ba?” Ito ang malimit mong maririnig kapag bumisita ka sa isang bahay dito sa Pilipinas. Isa itong paraan ng pagpapakita ng paggalang at kabutihan nating mga Pilipino sa ating mga bisita. Kilala tayong mga Pilipino sa magiliw nating pagtanggap sa ating mga bisita.

Nagpakita rin naman ng kabutihan sa isang bisita si Rebeka na tauhan sa Biblia.…