
TUNGO SA KAPAYAPAAN
Isa sa pinakamalaking sanhi ng stress ang paglipat ng tirahan. Halos 20 taon akong nanirahan sa dati kong tahanan bago kami lumipat sa bahay namin ngayon. Walong taon muna akong namuhay doon nang mag-isa. Nang mag-asawa ako, dinala ng asawa ko ang lahat ng mga gamit niya. Sa kalaunan, nagkaroon kami ng anak, at nangangahulugan ito ng mas marami pang gamit.…

SA HAMBA NG PINTUAN
Pagkatapos ng pagbaha noong 2016 sa timog Louisiana, nakita ko ang post ng isang kaibigan sa social media. Nang matanto ng nanay niyang kailangan nang gibain at muling itayo ang kanilang bahay, pinayuhan niya ang kaibigan kong hanapin ang Dios kahit sa gitna ng masalimuot na paglilinis. Pagkalipas ng ilang panahon, nag-post ang kaibigan ko ng mga larawan ng mga talata…

TUNAY NATING KAILANGAN
Habang nagluluto, napansin ng asawang lalaki ang ginagawa ng kanyang asawa. Kaya tinanong niya ito kung bakit kailangan pa niyang hatiin ang karne bago ilagay sa malaking kaldero. Sagot naman ng babae, “Ganito kasi ang ginagawa ni nanay.”
Dahil sa tanong na iyon, inalam ng babae sa kanyang ina ang tungkol sa tradisyon ng paghahati ng karne. Ngunit nagulat siya.…

BAGONG PANINGIN
Minsan, isinuot ko ang bago kong salamin sa mata nang pumunta ako sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Nang makaupo na ako, nakita ko ang aking kaibigang nakaupo sa kabilang dulo. Kumaway ako sa kanya at kitang-kita ko siya nang malinaw. Parang napakalapit niya sa akin. Pagkatapos ng pagtitipon, napansin kong iyon naman pala ang lagi niyang inuupuan. Sadyang…

PAGKAPIT SA MABUTI
Ipinaparada namin ang kotse malapit sa isang malawak na bukid na di-kalayuan sa bahay namin. Kadalasan may mga cockleburs (halamang kahawig ng butonsilyo o daisy) na kumakapit sa damit, sapatos, bag, at katawan sa pagtahak namin sa bukid na ito para makauwi sa bahay, lalo na kung panahon ng taglagas. Paraan ito ng kalikasan para isaboy ang buto ng cockleburs sa bukid…