Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tom Felten

KAPANGYARIHAN NG DIOS

Noong Marso 1945, habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagawang linlangin ng tinatawag na “Ghost Army” ng Estados Unidos ang mga kalaban nila. Nagawa nilang palabasin na 30,000 sundalo sila, gayong 1,100 lamang sila. Gamit ang mga pekeng tangke at armas, at ng tunog ng maraming sasakyan mula sa mga speaker, natalo nila ang kanilang kalaban.

Mababasa naman natin sa Hukom…

MAPAYAPANG TULOG

Ginugulo ang isip ni Sal ng masasamang alaala at mga boses ng nakaraan. Hindi siya makatulog. Puno siya ng takot at pinagpapawisan ang buong katawan. Gabi iyon bago siya bautismuhan (pampublikong pagpapahayag ng pagsunod kay Jesus). Tinanggap na ni Sal ang kaligtasang nagmumula sa Panginoong Jesus, at alam niyang pinatawad na ang kanyang mga kasalanan. Ngunit patuloy pa rin ang…

KAKAIBANG MGA LUGAR

Panginoong Dios, bakit ito nangyayari? Ito ba talaga ang plano Mo para sa amin? Ito ang paulit-ulit na tanong ko sa aking isipan habang hinaharap ko ang sinabi ng doktor na mayroon akong kanser. Bilang isang asawa at ama ng maliliit kong anak, mahirap ito para sa akin. Lalo na’t kamakailan lang, naglingkod ang aming pamilya sa isang misyon kung saan…

GINIBANG PADER

Simula 1961, pinaghiwalay ng Berlin Wall ang mga magkakapamilya at magkakaibigan. Itinayo ito ng pamahalaan ng East Germany upang mapigilan ang kanilang mga mamamayang tumakas papuntang West Germany. Simula 1949 hanggang sa maitayo ito, tinatayang may higit 2.5 milyong taga-East Germany ang lumipat sa West. Noong 1987, tumayo si Pangulong Ronald Reagan ng USA sa pader na ito at sinabi,…

SA DIWA NG PAG-IBIG

Magaling siya sa maraming bagay, pero may problema. At alam ito ng marami. Pero dahil mahusay siya sa trabaho, walang humarap sa kanya upang pag-usapan ang mapanirang galit niya. Sa pagdaan ng mga taon, marami siyang kasamahan na nasaktan ang damdamin. Maaga ring natapos ang karera niya sa trabaho. Puwede pa sana siyang lumago. Nakakalungkot. Kung kinausap ko lang sana…