sigaw ng taguMpay

Basahin: Juan 19:28-37

“Naganap na!” –Juan 19:30 MBB

May nabasa ako noon tungkol sa isang lalaki. Bumaba siya sa isang matarik na lambak at nabagsakan ng napakabigat na bato ang kanang kamay niya. Naipit ito at hindi siya makaalis. Nawalan na siya ng pagasang makakaligtas pa at nanghihina na din siya. Pagkalipas ng anim na araw, pinutol na niya ang kanyang kamay. Sumigaw siya sa sakit at sigaw din iyon ng tagumpay dahil nakaalis siya sa pagkakaipit.

Sumigaw din ang Panginoong Hesus noong nakapako Siya sa krus. Sinabi Niya, “Naganap na!” (Juan 19:30 mbb) at nalagutan Siya ng hininga. Ang Kanyang pagsigaw ay hindi sigaw ng masakit na pagkatalo. Sigaw ito ng tagumpay dahil naisakatuparan na Niyang lahat ang mga ipinagagawa sa Kanya ng Kanyang Ama.

Nang mamatay si Hesus, inako Niya ang parusa na nararapat sa atin. Binayaran Niya ang ating mga kasalanan – isang bagay na hindi natin kayang gawin. Ginawa Niya ito para patawarin tayo at bigyan ng buhay na walang hanggan. Mararanasan natin ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya.

“Naganap na!” Sigaw ito ng pagtatagumpay ng Panginoong Hesus. Maaari na tayong makalaya sa kapangyarihan ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa ginawang pagliligtas Niya sa atin. Mabubuhay din tayo nang walang hanggan at ligtas na sa kaparusahan sa kasalanan.

Dahil sa pag-aalay ni Hesus ng Kanyang buhay para iligtas tayo sa kaparusahan sa kasalanan, masasabi natin na isang magandang araw ang Biyernes Santo.

Isinulat ni: David McCasland

Namatay ang Panginoong Hesus para bigyan tayo ng buhay na walang hanggan.

Larawang Puwedeng Ibahagi

image-1