Ngayong pansamantala muna tayong pinaglalayo dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine at social distancing, maaari pa rin tayong magkaugnay sa iisang damdamin.
Sa panahong ito na hindi natin alam kung ano na ang mangyayari at napupuno tayo ng takot, nais naming ibahagi sa inyo ang aming mga babasahin na hango sa Salita ng Dios. Makapagbibigay ang mga ito ng pag-asa at makapagpapatatag ng inyong pananampalataya. Narito ang mga ipinamimigay naming resources at mga shareable image. Maaari ninyo itong I-download at ibahagi sa inyong pamilya at mga kaibigan. Nawa’y makapagbigay din ito sa inyo ng inspirasyon sa panahon ng krisis na ito.
Dalangin namin na makatulong ang mga resource na ito upang mas lalo kayong mapalapit sa ating Dios. Kung paanong inaalagaan natin ang ating mga katawan upang makaiwas sa Covid-19, huwag nating kalimutan na kailangan din nating pangalagaan ang ating puso, isip at kaluluwa.
Nawa’y palakasin natin ang espirituwal na buhay ng bawat isa sa pamamagitan ng pagbubulay ng Salita ng Dios.
Tampok na Babasahin #1
Maging Panatag
Tampok na Babasahin #2
Sa Panahong ito, Saan Nanggagaling Ang Aking Saklolo?
Tampok na Babasahin #3
Coronavirus Pandemic: Natatakot Ako At Hindi Ko Alam Kung Bakit
Downloadable na Babasahin
Larawang puwedeng ibahagi
Nandito kami para samahan kayo sa pananalangin!
Nawa’y lagi nating ipanalangin ang bawat isa sa panahong ito ng paglaganap ng Coronavirus.
Maaari ninyong ilagay ang inyong mga prayer request dito.