Sa kabila ng mga naririnig nating masasamang balita tungkol sa COVID-19, may magandang balita naman tayong maririnig!
Ito ay ang Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesu-Cristo!
“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16 (ASD)
Kung sumasampalataya tayo sa Panginoong Hesus, hindi tayo dapat matakot sa Coronavirus.
Ngayong Mahal na Araw, nawa’y makasumpong tayo ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Hesus at sa mga ginawa Niya para sa atin. Idalangin natin sa Dios na bigyan Niya rin tayo ng pagnanais na patuloy na ipanalangin ang bawat isa. Samahan ninyo kami sa pananalangin ngayong Mahal na Araw.
Narito ang ilang mga maaari ninyong basahin ngayong Mahal na Araw bilang pagbubulay ng Salita ng Dios:
Huwebes Santo
Gabi Noon
Biyernes Santo
Sigaw ng Tagumpay
Sabado Santo
Matatalo Mo!
Linggo ng Pagkabuhay
Buhay Siya!
Narito ang ilang mga larawang maaaring ibahagi na magpapaalala sa atin para manalangin:
Nais naming ibahagi sa inyo ang babasahin na may pamagat na “The Real Easter” upang makapagbigay sa inyo ng lakas ng loob sa panahong ito ng krisis. Makakatulong ito upang mas tumatag ang inyong pananampalataya.
Maaaring idownload ang “The Real Easter” dito