Buhay siya!

Basahin: Lukas 24:13-34

Muli ngang nabuhay ang Panginoon. –Lucas 24:34 ASD

Nang namumukadkad na ang mga bulaklak sa aming bakuran, naglakad-lakad dito ang aming anak na limang taon pa lang. May nakita siyang ilang mga tuyong dahon at patay na bulaklak. Sinabi niya, “Ma, kapag nakakakita po ako ng tuyo o patay na bagay, naaalala ko po ang Mahal na Araw. Namatay po kasi si Hesus sa krus.” Sabi ko naman, “Kapag nakakakita ako ng anumang may buhay, tulad ng mga bulaklak, naaalala ko naman na muling nabuhay si Hesus.”

Ang isang dahilan kung bakit alam natin na muling nabuhay si Hesus ay dahil sa isinalaysay sa aklat ng Lucas. Mababasa natin sa Lucas 24:15-27 na sinabayan sa paglalakad ng muling nabuhay na si Hesus ang dalawang lalaki na papuntang Emmaus. Kumain pa Siya sa kanila at tinuruan sila. Pagkatapos, bumalik sa Herusalem ang dalawang lalaki at ibinalita sa mga alagad na muling nabuhay si Hesus (talatang 34). Nangyari ito, tatlong araw, matapos Siyang ipako sa krus. Ipinapakita ng pangyayaring iyon na muli ngang nabuhay si Hesus.

Kung hindi muling nabuhay si Hesus, walang saysay ang pagtitiwala sa Kanya at parurusahan pa din sa kanilang mga kasalanan ang mga nagtitiwala sa Kanya (1 Corinto 15:17). Pero maliwanag na sinasabi sa Biblia, na muling nabuhay si Hesus para mapawalang-sala ang mga nagtitiwala sa Kanya (Roma 4:25). Dahil buhay na buhay ang Panginoong Hesus, ang sinumang nagtitiwala sa Kanya ay haharap nang walang anumang bahid ng kasalanan sa Dios.

Isinulat ni: Jennifer Benson Schuldt

Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus ay nagdulot ng kaligtasan sa kaparusahan sa kasalanan.

Larawang Puwedeng Ibahagi

image-1