Sa nakalipas na humigit kumulang na limang buwan ng pandemya ay nagpatuloy ang Our Daily Bread Pilipinas sa paglilingkod sa ating mga kababayan.
Tuloy ang aming paghahatid ng Mabuting Balita na nagbibigay pag-asa sa gitna ng matinding pagsubok na ating pinagdaraanan.
Hindi kami nakalimot na kayo ay ipanalangin – sampu ng inyong pamilya’t mga mahal sa buhay.
At patuloy naming idinudulog ang ating bansa at mga kababayan sa Panginoon at hinihiling ang Kaniyang saklolo at pagkalinga.
Hindi nagbabago ang aming misyon at layunin na maipaalam at maipaunawa sa lahat ng Pilipino ang Salita ng Dios na nakapagdudulot ng pag-asa kanino man.
Bagama’t napilitang magsara ang ODB Pilipinas Resource Center dahil sa ECQ, sinikap namin na hindi maantala ang pagbabahagi ng mga pang-araw-araw na devotional sa pamamagitan ng Facebook, Instagram, Twitter at sa Website.
Nakipag ugnayan rin ang ODB Pilipinas sa mga local churches at iba pang mga ministry partner tulad ng Operation Blessing upang maipamahagi ang Pagkaing Espirituwal sa mga Frontliners at sa iba’t ibang mga barangay sa kalakhang Maynila.
Bukod sa bigas at iba pang ayuda, mahalaga rin ang pagkain para sa ating mga puso’t kaluluwa.
Nitong ika-6 ng Hulyo ay inilunsad ng Our Daily Bread Pilipinas ang ating eStore upang magkaroon ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na makapag-order online. Mas napapadali ang pagpapadala ng mga babasahin sa pamamagitan ng pick-up at delivery.
Samahan ninyo kami sa panalangin na makapagpatuloy ang Our Daily Bread Pilipinas sa pagbibigay ng babasahing naghahatid ng kaaliwan ng Dios sa ating mga kababayan. Kung inyong mamarapatin ay damayan ninyo kami sa pamamagitan ng pagkakaloob ng inyong tulong. Nagpapasalamat kami sa inyong pagtitiwala. Salamat sa inyong panalangin at pagtangkilik.
Ating harapin ang mga darating na araw na buo ang pagtitiwala sa Panginoon. Maaari nating tahakin ang daang puno ng pagsubok kung mananalig lamang tayo sa Dios.
Nawa’y sumainyo ang pagpapala at kapayaaan ng Panginoon.