Taun-taon, sa isang lugar sa Singapore na tinatawag na Orchard Road ay maraming makikitang makukulay na ilaw na pamPasko. Makikita ang mga ilaw na iyon, ilang linggo bago magPasko at pagkatapos ng Pasko. Inilalagay ang mga iyon doon para maakit ang mga turista na pumunta sa lugar na iyon at mamili sa mga tindahan doon. Marami ang pumupunta doon. Nasisiyahan sila sa mga nakikita at napapanood nila. Nakikinig sila sa mga grupo ng mga mang-aawit na kumakanta ng mga kilalang awiting pamasko.
Ang kauna-unahang ilaw na pampasko ay hindi gumagamit ng kuryente. Ang liwanag nito ay nagmumula sa kaluwalhatian ng Dios. Hindi ito nakita ng mga turista. Ilang mga pastol lang ang nakakita nito. Tapos may anghel na nagsabi sa mga pastol na isinilang na ang kanilang Tagapagligtas. Kasunod ng liwanag ay umawit ang libu-libong mga anghel (Lucas 2:914).
Pumunta ang mga pastol sa Betlehem para malaman kung totoo nga ang sinabi ng anghel. Nang mapatunayan nilang totoo nga iyon, hindi nila napigilan ang sarili na sabihin sa iba ang kanilang nakita at narinig (talatang 15,17).
Marami sa atin ang madalas na nakakarinig ng kuwento tungkol sa Pasko. Bakit hindi natin ito sabihin sa iba. Sabihin natin na pumunta na dito sa mundo si Cristo na ilaw ng mundo (Juan 8:12).