Minsan, parang salungat ang itinuturo ni Jesus tungkol sa kagandahang-loob at sa kung ano ang nais Niyang gawin natin.
Hindi kailanman ibinaba ni Jesus ang pamantayan ng Dios na maging perpekto ang mga tao. May sinabi noon si Jesus sa isang binata na dapat niyang gawin. “Dapat kayong maging [perpekto] tulad ng inyong Amang nasa langit” (MATEO 5:8 ASD). Sinabi naman Niya sa iba na dapat, “mahalin ang Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip” (22:37 ASD). Pero walang sinuman ang maka-kasunod nang lubos sa nais na iyon ni Jesus.
Gayon pa man, si Jesus na nagsabi na dapat tayong maging perpekto ay siya ring nagpakita ng Kanyang kagandahang-loob para maging perpekto tayo. Pinatawad at pinakitaan Niya ng kagandahang-loob ang isang babaing nangalunya, ang isang magnanakaw na nasa krus at maging ang mga nagpapako sa Kanya sa krus. Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin Mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (LUCAS 23:34 ASD).
Ilan taon ko nang nararamdaman na hindi ako karapatdapat sa ninanais ng Dios sa akin na maging perpekto. Hindi ko kasi nauunawaan noon na ang pagiging perpekto ay biyaya ng Dios. Pero nang maunawaan ko ito, nalaman ko na ang buhay at mga itinuro ni Jesus ay nagpapakita ng Kanyang kagandahang-loob sa atin.
Ang kagandahang-loob ng Dios ay para sa lahat. Maging sa mga nabibigo, nahihirapan at nangangailangan.