Naging mahirap para sa akin at sa aking asawa ang pagaalaga sa aming tumatandang mga magulang. Pero hindi namin lubos akalain na gagamitin pala ng Dios ang sitwasyong iyon upang baguhin ang aming puso at tularan Siya.
Sa mga pagkakataon na ako ay lubos na nahihirapan, ipinapakita sa akin ng Dios ang aking mga motibo, mga kinatatakutan, ang aking pagiging mayabang, at pagiging makasarili. Ginagamit Niya ang aking mga kahinaan upang ipadama Niya ang Kanyang pagmamahal at pagpapatawad.
Sinabi naman ng aming pastor na ang pinakamagandang araw sa lahat ay ang araw na aminin mo na ika’y makasalanan at tanging si Jesus lang ang makakapagligtas sa’yo. Dahil doon, titingnan mo na ang sarili mo kung paano ka tinitingnan ni Jesus, na may bagong buhay ka na sa pamamagitan Niya. Naging pagpapala ang natutunan kong ito mula sa pag-aalaga sa aking mga magulang. Nang makita ko ang nais ng Dios para sa aking buhay, dumalangin ako gaya ng isinulat sa Awit: “Siyasatin Mo ako, O Dios, at alamin Mo ang aking puso” (AWIT 139:23).
Dalangin ko na sa panahon na humaharap ka sa matitinding problema, maalala mo nawang lumapit sa ating mapagmahal at mapagpatawad na Dios.