May mga mahusay gumuhit ng larawan ng tao kung saan iniiba nila ang hugis ng katawan nito ayon sa nais ng nagpapaguhit para maging katawa-tawa. Nagugustuhan ito ng marami dahil nakikita nila ang nakakatuwang pagbabago sa kanilang hitsura.
Pero hindi naman nakakatuwa kung ang anyo ng Dios ang iguguhit at gagawing katawa-tawa. Pero tulad ng mga larawan na binabago ayon sa nais ng taong nagpapagawa, marami ring katotohanan tungkol sa Dios ang binabago. Nahihikayat ang mga tao na isipin na ang Dios ay isang hukom na walang awa kapag nangangailangan sila ng kapatawaran. Nahihikayat naman ang isang tao na kalimutan na mapagmahal ang Dios kapag kailangan niya ng katarungan. At sa mga tao namang itinuturing nilang matalik na kaibigan ang Dios ay lumalayo kapag nakahanap sila ng taong gusto nilang maging kaibigan.
Ipinapahayag ng Dios na Siya ay mahabagin at nagpapakita ng kagandahang-loob. Pero Siya rin ay makatarungan at pinarurusahan ang mga nagkakasala (EXODO 34:6-7).
Sa ating pagtitiwala sa Dios, iwasan nating piliin lamang ang mga katangian ng Dios na siyang aangkop sa ating kagustuhan. Sa halip, sambahin at purihin natin ang Dios sa lahat ng pagkakataon. Hindi lamang sa kung ano ang gusto natin.