Masaya akong maranasan sa unang pagkakataon ang magbalsa sa rumaragasang alon sa ilog. Napakagandang karanasan ang sumagwan sa maalon na ilog. Pero nakaramdam ako ng takot at panganib nang marinig ko ang dumadagundong na alon. Nawala ang takot ko at alam ko nang ligtas ako nang sumasagwan na ang aking kasamang gabay na nasa balsa rin.
Ang mga pagbabago naman sa ating buhay ay tulad sa aking naranasan sa pagbabalsa sa maalong ilog. Maraming bahagi sa ating buhay ang hindi maiiwasan. Tulad nang pagkatapos nating mag-aral kailangan na nating magtrabaho. Pagkatapos, magtrabaho ay magreretiro. Sa pagiging kabataan hanggang sa tumanda. Lahat ng ito ay hindi natin maiiwasan at nagdudulot ito sa atin ng pag-aalinlangan o kawalan ng kapanatagan.
Ang isa namang pagbabago na nabanggit sa Lumang Tipan ng Biblia ay ang pagbabago ng hari sa Israel. Mamanahin na noon ni Solomon ang paghahari ni David. Kaya naman natatakot at hindi nagiging panatag si Solomon kung ano na ang mangyayari sa kaharian. Ipinayo naman sa kanya ni David na kanyang ama, “Magpakatatag ka at magpakatapang. Simulan mo na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manlupaypay, dahil ang Panginoong Dios, ang aking Dios ay kasama mo” (1 CRONICA 28:20 ASD).
May mga karanasan ang bawat isa kung paano tayo nahirapan sa mga pagbabagong nangyayari sa ating buhay. Gayon pa man, huwag tayo matakot sa pagbabago dahil kasama natin ang Dios. Magtiwala tayo sa Dios na Siyang gagabay sa atin.