Labis na natuwa si Olaf Wiigman na isang cameraman nang makalaya siya mula sa 13 araw na pagkakabihag. Ayon sa kanya, iba ang naidulot na kasiyahan ng pagkakalaya niya kaysa sa buhay niya noon na malaya talaga siya.
Mahirap maunawaan kung bakit mas makakapagpasaya sa atin kapag pinalaya tayo kaysa sa talagang malaya lang.
Ang tuwang naramdaman ni Olaf ay magsisilbing paalala sa mga taong malaya. Hindi kasi nila napapansin kung gaano sila pinagpala dahil sa kalayaang mayroon sila. Isang paalala rin ito sa mga sumasampalataya kay Jesus. Minsan, nakakalimutan nating mga matagal nang mananampalataya ang dati nating buhay kung saan bihag pa tayo ng kasalanan. Nakakalimutan nating pasalamatan ang Dios sa pagpapalaya Niya sa atin. Gayon pa man, gumagawa pa rin Siya ng paraan para paalalahanan tayo. Ginagamit Niya ang tulad ng isang bagong mananampalatayang masigasig para ipaalala sa atin ang naramdaman nating kagalakan nang “pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan” (ROMA 8:2 ASD).
Kung hindi mo na napapahalagahan ang kalayaang mayroon ka, alalahanin mong hindi ka na bihag ng kasalanan. Pinalaya ka na para maging banal at magkaroon ng buhay na walang hanggan (ROMA 6:22).
Magpasalamat nawa tayo sa pagpapalayang ginawa ni Cristo at sa mga bagay na maaari na nating gawin bilang mga anak na Niya.