Ang Iguazu Falls na nasa hangganan ng Brazil at Argentina ay binubuo ng 275 na talon. Kamanghamangha ang mga ito. May pader sa isang bahagi ng Iguazu Falls kung saan nakasulat ang talatang Awit 93:4, “Higit na makapangyarihan kaysa sa dagundong ng maraming tubig, kaysa sa malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan!” Sa ibaba naman nito ay nakasulat din ang, “Laging higit na dakila ang Dios kaysa sa lahat ng ating problema."
Isinulat ang Awit 93 noong panahong namumuno ang mga hari. Alam ng sumulat na ang Dios ang pinakadakilang hari sa lahat. Sinabi niya ito sa Dios, “Ang Panginoon ay naghahari…ang trono Mo'y natatag noong una; Ikaw ay mula sa walang pasimula” (TAL. 1-2). Kahit gaano man kataas ng tubig o alon, mananatiling dakila ang Dios sa lahat ng mga ito.
Ang dagundong ng tubig ng talon ay talaga namang kagila-gilalas. Pero nakakatakot naman kung nasa ilalim ka mismo ng bumabagsak na tubig ng talon. Marahil, parang nasa ganoong sitwasyon ka ngayon dahil sa iba’t ibang problemang nararanasan mo. Sa mga ganoong sitwasyon, mayroon tayong maaasahan. Siya ang Panginoong Jesus na “makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin” (EFESO 3:20) dahil higit Siyang makapangyarihan kaysa sa lahat ng ating mga problema.