Natatanaw ko mula sa bintana ng aming opisina ang mga squirrel isang uri ng hayop na parang daga. Bilang paghahanda sa panahon ng taglamig, nagmamadali ang mga squirrel sa pag-iipon ng kanilang pagkain at sa paghahanap ng kanilang mapagtataguan. Nalilibang ako sa nagagawa nilang tunog. Kung dadaan ang isang squirrel at grupo ng mga usa sa aming bakuran, mas malakas pa ang nagagawang tunog ng isang squirrel kaysa sa grupo ng usa.
Magkaiba talaga ang mga usa at squirrel. Hindi naghahanda ang mga usa sa pagdating ng taglamig. Kapag taglamig na, kinakain ng mga usa ang anumang makita nila sa daraanan nila tulad ng mga halaman sa aming bakuran. Magugutom naman ang mga squirrel kapag hindi nila pinaghandaan ang taglamig. Wala kasi silang makukuhang pagkain pagdating ng panahong iyon. Kaya bago dumating ang taglamig, nag-iipon na sila ng pagkain.
Kung paanong inaalagaan ng Dios ang mga squirrel at usa, tinutulungan din tayo ng Dios sa iba’t ibang kaparaanan. Tinutulungan Niya tayo na makapagtrabaho at makapagipon. Tinutugunan din Niya ang ating mga pangangailangan kapag wala tayong mapagkukunan nito.