Laging nananalangin ang mongheng si Brother Lawrence bago niya simulan ang kanyang mga tungkulin. Dalangin niya, “Panginoon, tulungan N’yo po ako na alalahanin na lagi ko Kayong kasama. Ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang lahat.” Nananalangin rin siya habang nagtatrabaho. Kahit masyado siyang abala, humihinto siya saglit para manalangin at humingi ng tulong sa Dios. Anuman ang mangyari, lagi siyang umaasa sa Dios at nakakaranas ng pagmamahal.

Ayon sa Awit 89, karapat-dapat lamang na ipagkatiwala natin ang buong buhay natin sa Dios na siyang lumikha ng lahat at sinasamba ng libu-libong anghel. Kapag nauunawaan natin kung sino talaga Siya, maririnig natin ang masayang sigaw ng pagsamba saan man tayo naroroon at ano man ang ginagawa natin (TALATANG 15-16).

May mga pagkakataon sa ating pang-araw araw na buhay na makakapagdulot sa atin ng pagkainis tulad ng matagal na paghihintay sa pila. Sa halip na mainis, maaari nating gamitin ang mga pagkakataong iyon para saglit na huminto at humingi ng gabay sa Dios upang makapamuhay nang ayon sa nais Niya (TALATANG 15).

Ang mga inaakala nating nasayang na oras sa ating buhay tulad ng paghihintay, panahon na nakaratay o nagiisip ng mga dapat gawin ay mga panahon na kasama pa rin natin ang Dios.