Ilang taon na ang nakakaraan, nawala ang anak ng kaibigan ko habang naglalakad sila sa sakayan ng tren kung saan napakaraming tao. Talaga namang nakakatakot ang pangyayaring iyon para sa kanya. Para mahanap ang kanyang anak, binalikan niya ang mga dinaanan nila at saka isinigaw ang pangalan nito. Parang kay tagal ng ilang minuto nilang pagkakahhiwalay. Sa kabutihang palad, nakita niya ang kanyang anak.
Nang maalala ko ang kaibigan ko at ang mga ginawa niya para mahanap ang kanyang anak, napuno ako ng pasasalamat sa Dios. Nagpapasalamat ako dahil sa mga kamangha-manghang ginawa ng Dios para iligtas tayo. Nang magkasala sina Adan at Eba, labis na nalungkot ang Dios sa pagkaputol ng Kanyang relasyon sa tao. Ginawa Niya ang lahat para maayos ang relasyong ito. Ibinigay Niya ang kaisa-isa Niyang Anak “upang hanapin at iligtas ang nawala” (LUCAS 19:10). Kung hindi isinilang si Jesus at namatay para sa ating kasalanan, wala tayong dahilan para ipagdiwang ang Pasko.
Kaya ngayong Pasko, magpasalamat tayo sa Dios. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus para maayos ang nasira nating relasyon sa Kanya. Naparito si Jesus upang iligtas ang mga makasalanan