Noong ikinasal kami ng asawa ko ay nangako kami na magiging tapat sa isa’t isa “sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at sa kasaganaan man o kahirapan.” Naisip ko na parang kakaiba na isama sa pangangako ang hindi magagandang bagay tulad ng kahirapan at karamdaman sa isang masayang okasyon tulad ng kasal. Pero isang katotohanan naman na kasama ang kahirapan sa buhay natin.
Anu-ano naman ang ginagawa natin sa tuwing makakaranas tayo ng mga pagsubok sa ating buhay? Pinaalalahanan tayo ni Pablo na “magpasalamat sa lahat ng pagkakataon” (1 TESALONICA 5:18). Mahirap man gawin pero may mabuting dahilan kung bakit sinabi ng Dios na palagi tayong magpasalamat. Ang pagpapasalamat ay pinagtibay ng katotohanan na “ang Dios ay mabuti” at “ang Kanyang tapat na pagibig ay walang hanggan” (SALMO 118:1).
Palagi natin Siyang kasama at ginagabayan Niya tayo sa lahat ng pagkakataon (HEBREO 13:5-6). Hinahayaan ng Dios na makaranas tayo ng mga problema para mgakaroon tayo ng mga katangian katulad Niya (ROMA 5:3-4).
Sa tuwing nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa ating buhay, nararapat na palagi pa rin tayong magpasalamt sa Dios. Patuloy Niya tayong pinagkakalooban ng kalakasan para mapagtagumpayan ang ating mga problema. Tulad ng sumulat ng awit, patuloy tayong mag-alay ng papuri at pasasalamat sa Kanya. “Pasalamatan ang Panginoon, dahil Siya’y mabuti; Ang Kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan” (SALMO 118:29).