Umihip ang hangin, lumiwanag ang kidlat, lumakas ang alon. Akala ko ay mamamatay na ako. Kami ng aking lolo at lola ay nangingisda sa ilog, pero nagtagal pa kami ng higit sa inaasahan. Habang papalubog ang araw, humampas ang malakas na hangin na may kasamang ulan sa aming maliit na bangka. Sinabi sa akin ng aking lolo na umupo sa unahan ng bangka upang di kami lumubog. Ako ay labis na natakot. Pero kahit ganoon ang aking naramdaman, nag-umpisa akong manalangin.
Humingi ako sa Dios ng tulong. Ang bagyo ay di humina, pero nagawa naming makarating sa dalampasigan. Hindi ko sukat akalain na aking mararanasan ang kasiguraduhang kasama ko ang Dios sa gabing iyon.
Si Jesus ay 'di iba sa mga bagyo. Sa Marcos 4:35-41, sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo na pumunta sa dagat na di lumaon ay naging mahangin. Nang gabing iyon, nasubok ang mga mangingisda dahil sa bagyo. Akala nila, sila ay mamamatay. Pero kinalma ni Jesus ang dagat at tinuruan silang palalimin ang kanilang pananampalataya.
Gayundin, tayo ay iniimbita ni Jesus na magtiwala sa Kanya sa panahon ng pagsubok. Minsan, himalang pahuhupain Niya ang mga hangin at alon. Minsan, sabay Niyang ginagawa ang lahat: Tinutulungan Niya tayong magtiwala sa Kanya at hindi hinahayaang mag-alala ang ating mga puso. Sinasabi Niya na magpahinga tayo tulad sa pagsasabi Niya nang may kapangyarihan sa mga alon, “Tahimik! Manatili ka!”