Sa aking naaalala, gusto kong maging isang ina. Nangarap akong magpakasal, magbuntis at alagaan ang isang sanggol sa aking mga kamay. Nang ako ay magpakasal, ang aking asawa at ako ay hindi na hinangad pa ang malaking pamilya. Pero sa kada negatibo ng pregnancy test, aming napagtanto na hinaharap naming hindi na magkaanak. Nasa gitna kami ng pagsubok. Ang hindi pagkakaroon ng anak ay napakapait para aming matanggap at iniwan ako nitong iniisip ang kabutihan at katapatan ng Dios.
Nang magbulay ako sa aming dinadanas, naalala ko ang kuwento ng mga alagad ni Jesus na nasa gitna ng dagat at nagkaroon ng bagyo (TINGNAN ANG JUAN 6).
Habang binubuno nila ang malalakas na alon kasabay ng bagyo, biglang nagpakita si Jesus na naglalakad sa gitna ng bagyo at alon. Pinayapa ni Jesus ang Kanyang mga alagad at sinabing “Huwag kayong matakot. Ako ito!” (TAL. 20).
Katulad ng mga alagad, kami ng aking asawa ay wala ding alam sa dadating na bagyo o problema ngunit nakasumpong kami sa Dios ng kaaliwan sa pamamagitan ng pagkilala pa namin sa Dios nang mas malalim dahil Siya ay tunay at tapat. Kahit na hindi kami magkakaroon ng anak na aming pinapangarap, natutunan naman namin na sa lahat ng pagsubok na ating hinaharap, maaari nating maranasan ang kapangyarihan ng Dios na nagbibigay ng kapayapaan. Dahil Siya ay makapangyarihan sa ating buhay, hindi natin kailangang mag-alala.