Minsan, may nasira sa aming banyo. Bigla na lamang umapaw ang tubig dito. Kahit anong gawin ko, hindi ko napigilan ang pag-apaw ng tubig.
Ano mang labis ay masama dahil dapat ay sapat lamang. Kapag sumobra ang pagsalin ng tubig o gatas sa isang baso tiyak na aapaw ito at may masasayang.
Subalit ayon kay Pablo, ayos lamang na magkaroon ng labis labis na pananampalataya na nagbubunga ng pag-asa (ROMA 15:13). Gustong gusto ko ang ginawa niyang pagsasalarawan sa isang buhay na nag-uumapaw sa kagalakan, kapayapaan at pananampalataya dahil sa makapangyarihang Dios. Dahil dito, hindi maaaring hindi maipahayag at maibahagi ang ating pagtitiwala sa ating Dios sa panahon
ng magagandang pangyayari sa ating buhay o kahit sa panahon ng pagsubok. Kahit ano pa ang kalagayan natin sa buhay, ang kailangang maihayag ay ang nagbibigay ng buhay na pag-asa sa lahat ng nauuhaw para dito.