Marami tayong mababasa sa Aklat ni Job nang tungkol sa mga katanungan kung bakit tayo nakakaranas ng mga matitinding pagsubok at labis na sakit. Pero ang mga pangangatwiran at mga tanong ni Job ay hindi nakatulong nang lubos sa kanya para maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Iniisip ni Job kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang Dios. Kaya naman, nais ni Job na makita ang Dios na siyang tanging makakasagot ng lahat ng kanyang mga katanungan. Nais ni Job na makita ang Dios nang mukhaan.
Nangyari nga ang hinihiling ni Job. Nakausap niya ang Dios nang harapan (TINGNAN ANG JOB 38:1). Hinarap siya ng Dios sa eksaktong oras. Ipinapaliwanag kasi noon ng kaibigan ni Job na si Elihu kung bakit walang karapatan si Job na kausapin ng Dios.
Walang sinuman kanila Job at sa mga kaibigan niya ang handa sa mga sasabihin ng Dios. Maraming gustong itanong si Job sa Dios pero ang Dios ang nagtanong kay Job. Sinabi pa ng Dios, “Humanda ka. Sagutin mo ang Aking mga tanong” (TAL . 3). Sa dami ng tanong ni Job kung bakit siya dumaranas ng matinding paghihirap, tinanong naman siya ng Dios ng tungkol sa mga kamangha-mangha nilikha ng Dios.
Ang mga sinabi ng Dios ay nagpapakita ng malaking kaibahan ng ating Manlilikha at ng tao. Nasagot ng Dios ang nais itinanong ni Job na kung may makakasagot ba ng kanyang mga katanungan at nagmamalasakit ba ang Dios? Tumugon si Job sa Dios, “Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na sa hindi ko lubos maunawaan” (JOB 42:3).