Masaya sa pakiramdam kapag natatapos ko na ang mga dapat kong gawin sa aking trabaho. Bawat buwan ay may responsibilidad akong dapat tapusin at ang pinakagusto kong bahagi sa pagtatrabaho ay kapag natapos ko na itong gawin. Naisip ko tuloy na sana ganito rin kadaling matapos ang mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Tila hindi natatapos ang mga problemang hinaharap ko bilang isang nagtitiwala sa Dios.
Bigla kong naalala ang nakasulat sa Hebreo 10:14 ng Biblia. Sinasabi sa talatang ito na kumpleto na ang ginawang pagliligtas sa atin ni Cristo sa krus. Inalay ni Jesus ang Kanyang buhay para sa atin dahil hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili. Ginawa Niya tayong katanggap-tanggap sa harapan ng Dios knang magtiwala tayo sa Kanya. Gaya ng sinabi ni Jesus sa Juan 19:30, “Tapos na.” Pero kahit na tapos na ang Kanyang sakripisyo para sa atin, patuloy pa rin Niyang binabago ang ating buhay upang tayo’y maging banal.
Lalakas ang ating loob sa tuwing aalalahanin natin na kumpleto na ang ginawang pagliligtas sa atin ni Jesus kahit na nahihirapan tayo minsan na ipamuhay ang mga natutunan natin sa Kanya. Sa tulong ni Jesus, matutupad din natin ang Kanyang layunin na unti-unti tayong baguhin hanggang tayo’y maging katulad Niya (TINGNAN ANG 2 COR . 3:18).