Nadiskubre ang gamot na penicillin nang magkaroon ng malubhang sakit si Anne Sheafe Miller noong 1942. Nagkaroon siya ng impeksyon sa dugo matapos siyang makunan sa kanyang ipinagbubuntis. Walang gamot ang makapagpagaling sa kanya. Pero mabuti na lamang at may isang pasyente sa ospital ang may kakilalang isang siyentipiko na nag-aaral tungkol sa bagong gamot. Napagaling nga si Anne ng gamot na penicillin.
Dahil naman sa pagsuway ni Adan sa Dios, nasira ang maayos nating relasyon sa Dios at dumating ang kasalanan sa mundo (ROMA 5:12). Tanging ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus at ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang makakatulong upang maging maayos muli ang ating relasyon sa Dios (8:1-2).
Ang Banal na Espiritu ang tumutulong sa atin na matamasa ang biyaya ng Dios sa buhay natin dito sa lupa hanggang sa buhay na walang hanggan (T. 3-10). “At dahil nasa inyo na ang Espiritu ng Dios na muling bumuhay kay Jesu-Cristo, Siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang Espiritung nananahan sa inyo” (T. 11).
Sa tuwing nalulugmok tayo dahil sa nagawang kasalanan, alalahanin natin ang ating Tagapagligtas na si Jesus at ang Banal na Espiritu na nagbibigay sa atin ng kalakasan (T. 11-17). “Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin” at “namamagitan ang Banal na Espiritu para sa mga mananampalataya kung ano ang ayon sa kalooban ng Dios” (T. 26-27).