Noong bata pa ang pintor na si Benjamin West, sinubukan niyang iguhit ang larawan ng kanyang kapatid. Pero hindi maganda ang pagkaguhit niya. Nakita ng kanyang Nanay ang kanyang iginuhit at hinalikan siya nito. Pinuri ng Nanay ni Benjamin ang kanyang ginawa. Hindi nakalimutan ni Benjamin ang papuri at halik na iyon ng kanyang nanay. Napakalaking bagay ang pagpapalakas ng loob ng kanyang Nanay kaya siya’y naging isang mahusay na pintor.
Noong una ay wala ring lakas ng loob si Apostol Pablo na ipahayag ang Salita ng Dios. Pero pinalakas ni Bernabe ang loob ni Pablo. Tinanggap si Pablo ng ibang sumasampalataya kay Jesus dahil kay Bernabe (GAWA 9:27). Tinulungan din ni Bernabe at pinalakas ang loob ng mga mananampalataya sa lugar ng Antioc (11:22-23). Tinanggap din ng mga mananampalataya sa Jerusalem ang mga mananampalatayang Hentil dahil sa panghihikayat nina Pablo at Bernabe (15:19). Sa kabuuan, punung-puno ng pagpapalakas ng loob ang kuwento ng mga unang nagtitiwala kay Jesus.
Higit pa sa pagsasabi ng magagandang salita ang pagpapalakas ng loob ng kapwa. Ito ay ginagamit ng Dios upang makatulong sa ating buhay at sa buhay ng mga kapwa nating nagtitiwala kay Jesus.
Pasalamatan natin ang Dios sa natatanggap nating pagpapalakas ng loob. Nawa’y palakasin din natin ang loob ng ibang tao.