Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, itinuring si US President Woodrow Wilson na isa sa pinakamakapangyarihang pinuno sa buong mundo. Ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam na noong siya’y na-stroke noong 1919, ang asawa niyang si Edith Wilson ang namahala sa halos lahat ng mga dapat niyang gawin. Dahil dito, marami ang naniniwala na sa mga panahong iyon, si Edith Wilson talaga ang namuno bilang pangulo ng Amerika.
Kung tatanungin tayo kung sino ang mga hinahangaan natin sa mga tumayong tagapanguna noon sa mga sumasampalataya kay Jesus, maaaring mabanggit natin sina Pablo, Pedro o Timoteo. Pero sa Roma 16, binanggit ni Pablo ang apatnapung mananampalataya na nakatulong sa kanilang gawain sa simbahan sa iba’t ibang kaparaanan.
Ang mga ito ay mga ordinaryong lalaki, babae, alipin, Judio, at Hentil na itinuring ni Pablo na napakahalaga tulad din ng mga apostol. Kinilala sila ni Pablo dahil sa kanilang tapat na paglilingkod sa Dios.
Madalas ay itinuturing natin ang ating sarili na ordinaryo lamang at hindi natin kayang maging mga tagapanguna sa paglilingkod sa Panginoon. Pero ang totoo, ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kakayahan na ipinagkaloob sa atin ang Dios upang mapaglingkuran Siya at ang ating kapwa.