Sa kuwentong The Boy and the Filberts, may isang batang inilusot ang kanyang kamay sa isang garapon at dumukot ng maraming kastanyas. Pero dahil punong puno ang kamay niya, hindi niya ito mailabas sa garapon hanggang sa may nagsabi sa kanya na bitawan ang ibang kastanyas. Mahirap maging alipin ng kasakiman.
May mga paglalarawan na ginamit ang guro sa aklat ng Mangangaral tungkol sa mga kamay na kapupulutan natin ng aral: "Hangal ang taong tamad, kaya halos mamatay sa gutom.
Mas mabuti pang magkaroon ng isang dakot na pagkain pero may kapayapaan, kaysa sa maraming pagkain pero hirap na hirap naman sa pagtatrabaho at nauuwi lang sa wala ang lahat. Para ka lang humahabol sa hangin" (4:5-6). Habang ang mga tamad ay naghihintay lang hanggang sa maghirap sila, ang mga naghahabol naman sa kayamanan ay nagsasayang ng oras sa walang kabuluhan (TAL. 8).
Ang payo ng Mangangaral, tigilan na ang kasakiman at maging kuntento sa kung anong mayroon ka. Sabi nga ni Jesus, "Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya?" (MARCOS 8:36).