Ang Tickle Me Elmo, Cabbage Patch Kids, at The Furby ay napabilang sa listahan ng mga 20 na pinakasikat na regalo sa panahon ng kapaskuhan. Nakasama rin sa listahan ang paborito ng karamihan na Monopoly, Nintendo GameBoy, at Wii.
Masaya tayo kapag nakakatanggap tayo ng mga regalo tuwing Pasko. Pero walang makakapantay sa kaligayahan ng Dios nang ipagkaloob Niya ang pinakamagandang regalo sa atin. Dumating ang regalong ito sa anyo ng isang sanggol na ipinanganak sa sabsaban sa Betlehem (LUCAS 2:7).
Ipinahayag ng isang anghel ang abang kapanganakan ni Cristo, “Naparito ako upang sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa Betlehem, sa bayan ni Haring David, ang inyong Tagapagligtas, ang Cristo na Siyang Panginoon” (TAL. 10-11). Matapos maihayag ang balitang ito, nagpakita ang “napakaraming anghel,” at “sama-sama silang nagpuri sa Dios. Sinabi nila, ‘Purihin ang Dios sa langit! May kapayapaan na sa lupa, sa mga taong kinalulugdan Niya’” (TAL. 13-14).
Ngayong kapaskuhan, magagalak tayo sa pagbibigay ng regalo sa mga mahal natin sa buhay. Pero huwag nawa nating makalimutan ang tunay na dahilan ng pagbibigayan, ito ang napakagandang regalo ng Dios na ibinigay Niya sa atin. Inalay Niya ang Kanyang Anak para sa ating kaligtasan sa kaparusahan sa kasalanan. Magpasalamat tayo sa Kanya!