Noong 2018, nagkaroon ng pagtanghal ang manliliok na si Liz Shepherd na tinawag na “Ang Paghihintay.” Ayon sa pahayagang Boston Globe, ito ay “nakakapukaw kung ano ang mahalaga, nakalantad, at higit pa sa buhay.” Ang inspirasyon ni Shepherd ay ang panahon na iginugol niya sap ag-aalaga ng kanyang ama noong ito ay malapit nang pumanaw. Sa pamamagitan ng pagtanghal, sinubukang ipakita ng pagtanghal ang matinding paghahangad, kawalan, at ang pakiramdam na sobrang layo ang mga mahal sa buhay.
Ang pagtingin na mahalaga ang kamatayan ay parang taliwas sa ating kalooban. Ngunit sabi ng manunulat ng salmo, “” Salmo 116:15. Mahalaga para sa Dios ang pagkamatay ng Kanyang mga banal dahil sa kanilang paglisan ay siyang pagsalubong Niya sa kanilang pag-uwi.
Sino ang mga “tapat na mga mamamayan” (“mga banal,” Ang Biblia 2001) na nagsisilbi sa Dios? Ayon sa manunulat ng salmo, sila ang mga nagsisilbi sa Dios bilang pasasalamat sa Kanyang pagligtas. Sila rin ang mga nananawagan sa Kanyang pangalan at tinutupad ang mga pangakong binibitawan sa Kanya (SALMO 116:16-18). Ipinapakita ng mga gawaing ito ang sadyang paglalakbay kasama ang Dios, pagtanggap sa binibigay Niyang kalayaan, at pagpapalago ng relasyon sa Kanya.
Kapag ginagawa natin ito, nakakasama natin si Jesus na siyang “” (1 PEDRO 2:4-6). Kapag nasa Dios ang ating tiwala, ang ating paglisan sa buhay na ito ay nagiging mahalaga para sa Kanya.