Isang sikat na tagakumpas si Sir Thomas Beecham sa England. Minsan may kumalat na kuwento na nakakita raw siya ng isang babae sa hotel. Pakiramdam ni Thomas kilala niya ang babae pero hindi niya maalala ang pangalan nito.
Kaya naman, nilapitan at kinausap niya ang babae. Habang nag-uusap sila, naalala ni Thomas na parang may kapatid na lalaki itong kausap niya na babae, para masiguro ito, nagtanong siya. “Kumusta pala ang kapatid mo? Doon pa rin ba siya nagtatrabaho?” Sagot naman ng babae, “Mabuti naman siya, Hari pa rin siya hanggang ngayon.
Parang ganoon din ang nangyari kay Felipe na isa sa mga Apostol ng Panginoong Jesus, hindi niya rin lubusang kilala si Jesus. Gusto ni Felipe na ipakita sa kanila ni Jesus ang Dios Ama (Juan 14:8). Sinagot naman ito ni Jesus na “...Ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama” (Tal. 9). Bilang isang Anak ng Dios, ipinakita ni Jesus ang mga katangian na mayroon ang Dios. Kaya naman, kung sinuman ang nakakakilala kay Jesus ay kilala na rin ang Dios (Tal. 10 -11).
Kung nais natin malaman kung sino ang Dios, tumingin lamang tayo kay Jesus. Ang pagpapakita ni Jesus ng Kanyang pagmamahal sa atin ay nagpapakita rin kung gaano tayo kamahal ng Dios. Hindi man natin maiintidihan nang lubusan ang Dios dahil Siya’y Dakila, makilala naman natin Siya sa pamamagitan ni Jesus.