“Tay, puwede po ba na magbasa kayo ng libro para sa akin?” Tinanong ako minsan ng aking anak. Nanibago ako kasi habang lumalaki ang anak ko na iyon, malimit niya na akong pinapabasa ng mga libro para makatulog siya. Pumayag naman ako sa hiling niya, at habang nagbabasa ako, inilagay niya ang kanyang ulo sa aking mga binti upang humiga.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko sa kanya ng isang libro, naramdaman ko sa mga oras na iyon ang kasiyahan bilang isang magulang. Naalala ko na ganitong pagkakataon din ang gustong mangyari ng Dios sa mga anak Niya. Nais ng Dios na magpahinga tayo sa Kanyang tabi at sa gayon mararanasan natin ang Kanyang pagmamahal.
Napagtanto ko rin na katulad lang din ako ng aking anak. Sa aking relasyon sa Dios, may pagkakataong lumalayo na ako sa Kanya dahil sa pagtanda ko. Nakakalimutan ko na maglaan ng oras para alalahanin at ramdamin ang pagmamahal na “mabuti at matuwid” (Salmo 116:5) na mayroon ang Dios para sa atin.
Ipinapaalala rin sa atin sa Salmo 116:7 na lagi nating alalahanin na maaari tayong tumakbo sa Dios at humingi ng kapahingahan. Bibigyan Niya tayo dahil isa Siyang mabuti at mapagmahal na Dios.