Noong 2009, pinalabas ang pelikulang The Blind Side na hango sa buhay ni Michael Oher na walang permanenteng tirahan at palabuy-laboy lamang. Kaya may isang pamilyang kumupkop sa kanya. Inalagaan at pinag-aral din siya ng mga ito. Tinulungan din nila si Michael na maging mahusay sa larong football. Sa isang eksena ng pelikula, ipinahayag ng pamilya na nais na nilang ampunin si Michael. Nahihiya namang sumagot ang binata na akala niya ay matagal na siyang bahagi ng pamilya.
Maganda ang eksenang iyon. Katulad ng maganda rin ang gawaing pagkupkop sa iba o ang pag-aampon. Dahil sa paggawa natin nito, naipaaabot natin ang ating pagmamahal sa bagong kasapi ng ating pamilya. Kasabay ng pagnanais nating mapabilang siya sa ating pamilya. Binabago din ng pag-aampon ang buhay ng isang tao. Pareho ng naganap na babago sa buhay ni Michael nang inampon siya.
Ganito rin naman tayong mga nagtitiwala kay Jesus, itinuring na Niya tayong mga “anak Niya” (Galacia 3:26). Bilang mga anak na inampon ng Dios, nananahan sa atin ang Banal na Espiritu. Maaari nating tawaging “Ama” ang Dios (Tal. 6). Mga tagapagmana Niya tayo (Tal. 7). Kasama rin nating magmamana si Cristo (Roma 8:17). Kabilang na tayo sa pamilya ng Dios bilang mga anak Niya.
Nagbago ang buhay at kinabukasan ni Michael nang ampunin siya. Tunay ring nagbago ang buhay natin nang ituring tayong mga anak ng Dios! Nagiging kaisa tayo ng Dios dahil kabilang tayo sa Kanya. Kabahagi tayo ng maganda at habang-buhay na pangako ng Dios dahil sa kabutihan Niya.