Halos tatlong linggo kasi ang kakailanganin para malakbay ang John Muir Trail. Maraming sapa, lawa at bundok din ang makikita sa kahabaan nito. May haba kasi itong 211 milya. May taas din itong 47,000 dipa. Dahil dito, nararapat na mahahalagang bagay lang ang dala sa paglalakbay.

Tulad ng sapat na pagkain, bota, at mapa. Mabilis na mapapagod ang mamumundok kung marami siyang dala. Maaari naman siyang magutom at mauhaw kung hindi sapat ang dala niya.

Dapat naman tayong tumulad sa mga mamumundok. Kung nais nating maging matagumpay sa ating paglalakbay bilang mga nagtitiwala kay Cristo. Nararapat na mahahalagang bagay lang din ang dala natin. Mababasa rin sa Hebreo 12, nararapat nating talikuran ang pumipigil sa atin at alisin ang anumang humahadlang sa pagtakbo natin. Inihambing pa ng sumulat ng Hebreo ang buhay natin sa isang takbuhin at paglalakbay. Kaya nararapat na hindi tayo panghinaan ng loob (Tal. 1, 3). Dahil mahihirapan tayo na maabot ang ating layunin kung marami tayong dala na makakahadlang dito.

May listahan ng mga nararapat dalhin sa paglalakbay ang mga sasama sa John Muir Trail. Pinagkaloob naman sa atin ang Biblia para malaman natin kung paano mamuhay na naaayon sa kalooban ng Dios. Ang Salita Niya ang magiging gabay sa buhay, pangarap, at nais natin. Magiging matagumpay tayo kung kasama natin si Jesus sa ating paglalakbay