Maaaring isa sa pinakatanyag na video game ang The Legend of Zelda: Ocarina of Time, na gawa ng kumpanyang Nintendo. Dahil sa kasikatan ng video game, pinasikat din nito ang ocarina na isang maliit at lumang instrumento sa pag-awit na gawa sa putik.
Dahil sa kakaibang hitsura ng ocarina hindi mo iisiping isa itong instrumento na lumilikha ng musika.
Ganito naman nilikha ang ocarina. Una, kumuha ang lumikha nito ng putik. Pagkatapos, ininit niya ito at hinulma na isang kahanga-hanga instrumento. Mayroong pagkakatulad ito sa pagkakalikha ng Dios sa atin. Nakasaad naman sa Isaias 64:6, 8-9 “Kaming lahat ay naging parang maruming bagay...Pero, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad Ninyo’y magpapalayok, at kami naman ay parang putik...Huwag N’yo naman pong lubusin ang Inyong galit.” Para bang sinasabi ng propeta na “Dios, Kayo na po ang bahala sa amin. Sapagkat kami’y mga makasalanan. Hulmahin po Ninyo kami upang maging isang instrumento para sa Inyo.”
Ganito nga ang ginawa ng Panginoon. Sa Kanyang awa, ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Jesus, upang mamatay para sa ating mga kasalanan. Araw-araw hinuhulma pa rin tayo ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu. Katulad ng pagdaloy ng hangin sa Ocarina, upang makagawa ng magandang musika. Patuloy din ang paggabay ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, upang maging katulad ni Jesus (Roma 8:29).