Nakaupo ako sa aming hapag-kainan, habang pinagmamasdan ko ang aking mga kamag-anak. Masaya ang lahat sa muli naming pagsasama-sama. Sina tita, tito, ang mga pinsan at mga pamangkin ko. Pero, bigla ko lang naisip, “ako lang ang nag-iisang babae dito na wala pang anak at wala pang sariling pamilya.”
Marami sa mga tulad kong dalaga ang nag-iisip ng ganito. Lalo na sa kultura naming mga Asyano, kung saan mataas ang pagpapahalaga ng pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. Parang may kulang sa kabuuan ng iyong pagkatao ang hindi pagkakaroon ng sariling pamilya.
Kaya naman, nakapagbibigay ng lakas ng loob sa akin ang katotohanang bahagi at kasama ko ang Dios (Salmo 73:26) sa aking buhay. Noon namang ibinigay sa bawat angkan ng Israel ang kanilang bahagi ng lupa, walang natanggap ang mga Levita. Ipinangako kasi ng Dios na Siya mismo ang magbibigay ng kanilang mga pangangailangan at mga mamanahin (Deuteronomio 10:9). Mahahanap din ng mga Levita ang tunay na kasiyahan sa Kanya at nagtitiwala silang Siya ang magbibigay ng lahat ng kanilang kailangan.
May iba naman sa atin na wala sa pamilya ang nararamdamang kakulangan. Minsan, sa mga ninanais nating magkaroon magandang trabaho o matamong karangalan sa pag-aaral. Anuman ang kalagayan, tanggapin natin ang Dios bilang bahagi ng ating buhay. Ang Dios ang bubuo o kukumpleto sa ating buhay. Sa piling ng Dios, hindi tayo magkukulang.