Minsan, nang binisita ako ng anak kong si Hayley, nakita ko ang aking tatlong taong gulang na apo na si Callum. Nakasuot si Callum ng tinatawag na “bawal kamutin,” ito ay damit na may mahabang manggas. Ang aking apo ay may sakit na tinatawag na eczema, isang sakit sa balat na makati, mahapdi at maaring magdulot ng sugat. Ang “bawal kamutin” na damit ang pumipigil kay Callum sa pagkamot at pagsugat ng kanyang balat.
Makalipas ang pitong buwan, nagkaroon din ng eczema si Hayley “Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ni Callum. Dapat siguro magsuot na din ako ng “bawal kamutin” sabi ni Hayley.
Nagpaalala sa akin ang sitwasyon ni Hayley ng sinasabi sa 2 Corinto 1:3-5, kung saan sinabi ni Apostol Pablo, “Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap. Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Cristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.”
Minsan, ipinapahintulot ng Dios na dumanas tayo ng mga pagsubok. Tinuturuan Niya tayong dumanas ng mga paghihirap upang pahalagahan natin ang pinakadakilang paghihirap na naranasan ni Jesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, doon sa krus. Nawa’y isipin natin kung kanino pa tayo makakapagbigay ng malasakit kung paanong pinagmalasakitan tayo ng Dios.